Archive of Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)

Hindi naging NPA si Kaday Fombuena

Dalawang linggo naming hinintay ang kumpirmasyon ng 31st IB na si Raymundo “Kaday” Fombuena ay kabilang sa mga tinatawag nilang “rebel returnee” na una naming narinig kay PNP-Barcelona Chief Christine Llorin. Hindi na kami nasorpresa sa opisyal na pahayag ng batalyon sa radio program nila ngayong araw na si Kaday ay benepisyaryo nga ng kalokohang […]

Sa 31st IB, better luck next time

Nabalitaan namin ang rally sa sentro ng Barcelona, Sorsogon kahapon ng umaga, Abril 8, na pinasimunuan ng 31st IB at nilahukan ng mga pinasurender na dating NPA at sibilyan. Namonitor namin ang byahe ng trak na humakot sa mga surenderi papunta sa benyu ng rally. Candle-lighting daw ang tampok na bahagi ng aktibidad. Hindi gaanong […]

93rd Special Action Company, instrumento ng RTF-ELCAC, pinarusahan ng NPA!

Matagumpay ang mga operatiba ng Santos Binamera Command – NPA Albay (SBC – NPA Albay) sa pananambang sa isang back-to-back na sasakyan ng mga elemento ng Philippine National Police (PNP) nitong nakalipas na Abril 3, 2021 sa Brgy. Aliang, Ligao City, bandang 8:30 ng umaga. Binabaybay ng isang yunit ng 93rd Special Action Company (93rd […]

Ipagtanggol ang masang Bikolano mula sa diktadura ni Duterte! Pag-ibayuhin ang armadong pakikibaka sa rehiyon!

Download statement here: PDF Binabati ng Romulo Jallores Command ang mga pulang kumander at mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan, milisyang bayan at yunit-pananggol sa sarili sa pagdiriwang ng buong bansa sa ika-52 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Bagong Hukbong Bayan. Pinakamataas na pulang pagsaludo ang iginagawad sa lahat ng nag-alay ng buhay para pagsusulong ng […]

Itaas ang antas ng ating pakikibaka sa ika-52 na anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan!

Nagpupugay ang Santos Binamera Command NPA – Albay (SBC-BHB Albay) sa lahat ng magigiting na Pulang mandirigma at mahuhusay na mga kumander ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa buong kapuluan. Taas-kamaong pinagpupugayan din natin ang mga kasamang martir na nauna nang nagbuwis ng kanilang buhay bilang pinakamataas na sakripisyong kanilang inialay alang-alang sa sambayanang Pilipino. […]

Mga aksyong pamamarusa ng BHB-Bikol laban sa mapaminsalang pagmimina

Pulang pagsaludo para sa lahat ng kumander at Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan sa matatagumpay na aksyong pamamarusa sa mga lokal at dayuhang kumpanya ng pagmimina at taktikal na opensiba laban sa mga yunit ng militar at pulis na nagpuprotekta sa mga mapaminsalang operasyon ng mga ito sa iba’t ibang prubinsya ng Bikol. Mula […]

Ka Ruth, bayani ng Mamamayang Bikolano!

Si Carlito Perez o mas kilala ng maraming masa at kasama bilang Ka Ruth/Real/Remar ay mahusay na kumander ng Bagong Hukbong Bayan. Ipinagluluksa ng mamamayang Bikolano ang pagkamatay ni Ka Ruth – para sa kanila, ang paglalaan niya ng kanyang buhay upang sila’y paglingkuran ay hindi matatawaran ninuman. Ipinanganak sa bayan ng Libmanan, Camarines Sur […]

Intel operative ng 31st IB, patay sa operasyon ng NPA

Napatay sa operasyong partisano ng NPA ngayong araw si Raymundo Fombuena alyas Kaday sa Barangay San Antonio, Barcelona, Sorsogon. Isa siyang lokal na maton at elemento ng CAFGU na aktibo sa mga operasyong paniktik ng 31st IB laban sa rebolusyonaryong kilusan. Mula pa noong 2018, naging masugid si Kaday sa pagmomonitor sa kilos at presensya […]

Mga sibilyang pinaslang ng PNP ang naaagnas na bangkay na natagpuan sa Dumagmang, Labo, Camarines Norte

Mga inosenteng sibilyan ang pinaslang ng PNP at iniwang naaagnas sa Dumagmang, Labo, Camarines Norte. Basag ang mukha at parehong may tama sa dibdib ang mag-amang Jetly at Louis Buenavente. Dulot nito, aabot na sa 17 ang napaslang at minasaker ng AFP-PNP-CAFGU sa rehiyon sa loob lamang ng tatlong buwan. Ibig sabihin, mayroong isang Bikolanong […]

Tatlong armas, nakumpiska; dalawang ahente ng estado, napaslang sa matatagumpay na aksyon ng NGC-West Camarines Sur

Dumadagundong ang mga tagumpay ng digmang bayan sa Kabikulan! Maliban sa matagumpay na reyd ng Armando Catapia Command (ACC) -BHB Camarines Norte, sunud-sunod ang aksyon ng Pulang hukbo sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon upang makapaghatid ng rebolusyonaryong hustisya at mabigo ang mga pasistang atake ng AFP-PNP-CAFGU. Taas-kamaong nagpupugay ang RJC-BHB Bikol sa mga Pulang […]