Archive of Armando Cienfuego | Spokesperson

Sa harap ng pekeng Unilateral Ceasefire ng GRP, MGC – NPA ST, lalabanan ang patuloy na atake ng AFP-PNP

Patuloy ang pananalasa ng focused military operations (FMO) sa rehiyon at buong bansa simula Enero at kahit matapos ng deklarasyon ni Duterte na unilateral ceasefire mula Marso 19 hanggang Abril 15. Walang intensyon si Duterte na tupdin ito at lalong walang saysay ang inilabas na SOMO at SOPO ng AFP at PNP. Nagpapatuloy ang operasyong […]

Hinggil sa panawagang pagpapasuko ni Duterte sa NPA dahil sa COVID-19

Imbes na pagtuunan ang pagbibigay ng libre at accessible na serbisyong medikal sa mamamayan, garapalang nanawagan si Duterte ng pagpapasuko sa NPA dahil sa COVID-19. Ipinagmayabang pa niyang hindi kayang gamutin ng rebolusyonaryong kilusan ang sakit na ito sa harap ng kainutilan ng kanyang administrasyon na resolbahin ang kasalukuyang krisis sa kalusugan buhat sa epidemya […]

Pulang pagbati sa matatagumpay na kontra-atake ng NPA sa Palawan at Quezon

Sinasaluduhan ng Melito Glor Command-NPA ST ang mga pwersa ng NPA-Palawan at Quezon sa matagumpay nilang kontra-atake laban sa AFP-PNP nitong Marso 14 at 15 na nagresulta sa pitong patay at maraming nasugatan sa hanay ng reaksyunaryong hukbo. Imbes na makaiskor laban sa NPA at madiskaril ang pagdiriwang ng anibersaryo ng Pulang hukbo, binigyan pa […]

Pagbati sa ika-109 anibersaryo ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihan

Kababaihan, tumungo sa kanayunan, sumapi sa NPA! Malugod na binabati at binibigyang pagpupugay ng Melito Glor Command – NPA Southern Tagalog ang nagpapatuloy na pakikibaka ng kababaihang Pilipino sa harap ng karahasan at mga atake ng rehimeng US-Duterte. Patunay itong hindi kailanman humina ang nag-aalab na diwa ng kababaihan sa gitna ng masidhing krisis panlipunan […]

Postura ni Duterte kontra-US, hindi sinsero

Ehersisyong militar ng US at AFP, pagsasanay laban sa rebolusyonaryong kilusan Sa kabila ng pasabog ni Duterte na tapusin na ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa US, magpapatuloy ang paglulunsad na magkasamang pagsasanay at ehersisyong militar ng pwersa ng US at AFP. Ang mga pagsasanay na ito ay nasa balangkas at bisa ng VFA at […]

5 kaswalti ng AFP-PNP sa aksyong militar ng LdGC – NPA Mindoro

  Taas-kamaong pagbati ang ipinapaabot ng Melito Glor Command sa dalawang magkasunod na aksyong militar ng Lucio de Guzman Command (LdGC) – NPA Mindoro laban sa mga nag-ooperasyong 4th IBPA-PNP sa ilalim ng 203rd Brigade. Limang putok ang pinakawalan ng mga Pulang mandirigma na nagresulta ng apat na malubhang sugatan sa AFP-PNP noong Pebrero 19 […]

Hinggil sa pagkakatalaga kay Parlade bilang bagong hepe ng SOLCOM

Nakahanda ang Melito Glor Command – New People’s Army Southern Tagalog at mga rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan na labanan at biguin ang saksakan ng kasinungalingan, berdugo at anti-mamamayan na bagong talagang hepe ng SOLCOM na si Maj. Gen. Antonio Parlade, Jr. Mabibigo ang SOLCOM na gapiin ang rebolusyonaryong kilusan sa Timog Katagalugan. Isang pangarap […]

Largadong FMO ng AFP-PNP, katumbas ng terorismo laban sa mamamayan

  Ipinakikita ng largadong focused military operation (FMO) ng AFP-PNP sa rehiyon ng TK ngayong Enero na sila ang pangunahing terorista at tagalabag ng karapatang tao sa bansa. Higit nitong pinag-aalab ang hangarin ng mamamayan na kamtin ang hustisya para sa lahat ng biktima ng mga krimen ng mersenaryong hukbo at ibagsak sa pinakamaagang panahon […]

CPP at NPA sa ST, lumaban para sa pangmatagalan at makatarungang kapayapaan!

EO 70 at JCP Kapanatagan, tuluy-tuloy na biguin ngayong 2020 Mainit na sinasalubong ng Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog (MGC-NPA ST) ang taong 2020 na buo ang pasyang dalhin sa mas mataas na antas ang digmang bayan at tuluy-tuloy na biguin ang kontra-rebolusyonaryong gerang JCP Kapanatagan at whole-of-nation-approach ng Executive Order 70 ng rehimeng US-Duterte. […]

Ipagkaloob ang atensyong medikal kay Ka Diego

Mariing kinukundena ng Melito Glor Command-New People’s Army Southern Tagalog (MGC-NPA ST) ang pagkakait ng atensyong medikal kay Jaime “Ka Diego” Padilla, dating tagapagsalita ng MGC-NPA ST. Si Ka Diego ay detenidong pulitikal na may malubhang karamdaman sa puso at katawan. May serye ng mga paglabag ang AFP-PNP sa karapatan ni Ka Diego bilang hors […]