Archive of Armando Cienfuego | Spokesperson

Pagbayarin nang mahal ang mamamatay-taong rehimeng US-Duterte sa naganap na Bloody Sunday!

Nagpupuyos sa galit at sumisigaw ng katarungan ang MGC-NPA ST para sa karumal-dumal na pagpatay sa siyam na aktibista at pagdakip sa anim na iba pa ng PNP CALABARZON noong Marso 7. Kaisa ito ng mamamayan ng TK sa paniningil kay Duterte at sa AFP-PNP sa kanilang utang na dugo sa bayan. Sagad sa buto […]

Sa harap ng pasismo ng rehimeng US-Duterte, Pulang pagpupugay sa katapangan at kagitingan ng mga kababaihan!

Sinasaluduhan ng Melito Glor Command-New People’s Army Southern Tagalog ang lahat ng mga militante at nakikibakang kababaihan ngayong ika-110 taon ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihan. Patunay sa napakalaking papel at ambag nila sa lipunang Pilipino ang kanilang nagpapatuloy na laban sa harap ng tumitinding pasismo ng rehimeng US-Duterte. Malaon nang pinagsasamantalahan ng bulok na estado […]

Sa ika-26 taon ng Mining Act: Parusahan ang mga mandarambong ng likas na yaman!

Kasama ng sambayanang Pilipino ang MGC-NPA ST sa mariing pagtutol at paglaban sa pandarambong ng mga imperyalista at lokal na malalaking kumpanya sa pagmimina ng yamang mineral ng bansa. Sobra-sobra na ang kanilang dinambong at pininsala—ang dapat sa kanila’y palayasin at panagutin sa kanilang mga atraso sa bayan. Kaisa rin ito sa panawagang ibasura ang […]

Bulok, kriminal na PNP sa ilalim ng berdugong si Sinas, pananagutin ng mamamayan

Sinusuportahan ng MGC-NPA ST ang mataas na kahilingan ng bayan na panagutin ang nabubulok, kriminal at pasistang aparatong Philippine National Police (PNP) at ang namumuong panawagang alisin sa pwesto ang hepe nitong si Debold Sinas. Marapat na pagbayarin ang mga pasistang tagapagtanggol ng estado upang bigyang-katarungan ang mga biktima at hawanin ang daan sa pagkakamit […]

Nalantad ang kasinungalingan ng 201st Brigade sa pagkamatay ng 1 tinyente at 2 pang sundalo ng 85th IBPA

Malaking kasinungalingan ang ikinakalat ng 201st Brigade na may naganap pang mga labanan sa pagitan ng Apolonio Mendoza Command (AMC) – NPA Quezon at 85th IBPA matapos magkaengkwentro noong Pebrero 5, alas kwatro ng madaling araw, sa Sitio Pung-uy, Brgy. Masaya, Buenavista. Inimbento ang naganap na dalawa pang sagupaan noong Pebrero 5 alinsunod sa nakasaad […]

Pulang pagpupugay kay Ka Marwin, kadre, kumander, dakilang martir ng sambayanan

Pinakamataas na pulang saludo ang iginagawad ng Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog kay Ronel “Ka Marwin” Batarlo, kabataang kadre at Pulang kumander ng Apolonio Mendoza Command (AMC)-NPA Quezon. Si Ka Marwin ay nag-alay ng buhay sa isang labanan noong Pebrero 5 sa Brgy. Masaya, Buenavista, Quezon. Dakila ang buhay na inialay ni Ka Marwin para […]

Dalawang taon ng RLL, pasakit sa magsasaka at taumbayan

Pinatutunayan ng kalunus-lunos na kalagayan ng mga magsasaka sa palayan at umiiral na krisis sa pagkain ang kainutilan at kapalaluan ng ipinasang Rice Liberalization Law (RLL) ng rehimeng Duterte noong Pebrero 15, 2019. Wala itong kabutihang idinulot at sa katunaya’y naging salot lang sa kabuhayan ng masang anakpawis. Sa pagsasabatas ng RLL, tinanggal na ang […]

Laos na ang propaganda ng NTF-ELCAC at AFP-PNP laban sa rebolusyonaryong kilusan

Lalo lamang nalulubog sa kahihiyan ang AFP-PNP at NTF-ELCAC sa pagbubuga ng mga pekeng balita at laos na itim na propaganda laban sa rebolusyonaryong kilusan. Pinakahuli rito ang pagyayabang ng 2nd ID na nawasak nila ang tatlong larangang gerilya ng NPA sa CALABARZON at ang pagsuko ng diumano’y 75 NPA na iprinesinta pa ng PNP […]

Isang sundalo patay at maraming nasugatan sa dalawang matagumpay na opensiba ng NPA-ST

Nagtamo ang mga pwersa ng 201st at 203rd Brigade ng AFP ng tatlong patay at hindi mabilang na sugatan sa dalawang matagumpay na taktikal na opensiba ng NPA Southern Tagalog sa huling bahagi ng Enero. Binabati ng Melito Glor Command ang mga yunit ng Apolonio Mendoza Command (AMC) – NPA Quezon at Lucio de Guzman […]

Papanagutin si Gen. Parlade, AFP at NTF-ELCAC para sa paglalabas ng mga fake news at mga malisyosong pahayag

Nakikiisa ang Melito Glor Command sa panawagan ng mamamayan na dapat na papanagutin si SOLCOM Chief at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict Spokesperson Gen. Antonio Parlade at ang AFP para sa pagpapakalat ng disimpormasyon, fake news at malisyosong listahan ng mga pinaparatangang mga dating sumuko at nahuling NPA na walang iba […]