Solano 3 lumaya na, kasong illegal possession of explosives ibinasura

,

Isa pang gawa-gawang kaso ng illegal possession of firearms and explosives ang ibinasura ng korte nitong buwan. Ipinag-utos noong Enero 3 ng RTC Branch 27 Bayombong, Nueva Vizcaya ang gawa-gawang kaso laban sa mga aktibista at magsasakang sina Francis Esponilla, Romar Busania at Michael Gatchalian.

Arbitraryong inaresto ang tatlo sa isang tsekpoynt noong Mayo 2015 sa Diadi, Nueva Vizcaya matapos magpakita ng ID na patunay na mga myembro sila ng partidong Bayan Muna. Mga kasapi din sila ng Timpuyog Dagiti Mannalon iti Quirino. Pitong taon silang di makatarungang ipiniit.

Pinagpugayan naman ng Taripnong Cagayan Valley ang katatagan ng tatlong aktibista at ang mga kasapi ng National Union of People’s Lawyers sa Nueva Vizcaya.

AB: Solano 3 lumaya na, kasong illegal possession of explosives ibinasura
n/a