Pambansang “shutdown” sa Ecuador kontra taas-presyo ng langis

,
Ang artikulong ito ay may salin sa English

Binarikadahan ng mga katutubo at iba pang sektor ang mayor na mga lansangan sa ilang prubinsya sa Ecuador bilang protesta sa abot-langit na pasirit ng presyo ng mga produktong petrolyo. Kasabay nito, ipinanawagan nila ang kagyat na pagpapatalsik sa presidente ng bansa na si Guillermo Lasso. Inihalal si Lasso sa pwesto noon lamang Mayo. Pinangunahan ang mga protesta ng Ecuadorian Confederation of Indigenous Nationalities o CONAIE.

Sinimulan ang “paro nacional” o pambansang pagsasara (national shutdown) noong Oktubre 26 sa pamamagitan ng pagbarikada sa susing mga sentro ng transportasyon sa bansa, kabilang ang mga daan na nagdudugtong dito sa katabing bansang Colombia. Nagkaroon din ng mga protesta sa mga sentrong lunsod.

Iginigiit ng mga nagpuprotesta na kagyat na irolbak ang presyo ng mga produktong petrolyo sa antas noong Hunyo 2020. Tuluy-tuloy na tumaas ang mga presyo mula pa noong nakaraang taon alinsunod sa kautusang naiilabas ng noo’y presidente ng Ecuador na si Lenin Moreno.

Noong nakaraang linggo, pumayag si Lasso na isuspinde ang buwanang pagtaas at ipako ang presyo ng gasolina sa $0.67 kada litro (P33.50 sa palitang $1=P50) at ang diesel sa P25.00 kada litro. Sa kabila nito, tumanggi ang CONAIE na iatras ang mga protesta.

Nasa Ecuador ang pangatlong pinakamalaking reserbang langis sa Latin America (nangunguna ang Venezuela at Brazil.) Kalakhan ng rekursong langis nito ay nasa Amazon na bahagi ng lupang ninuno ng mg katutubo. Kontrolado ang produksyon ng langis ng PetroEcuador, isang pambansang kumpanya.Pambansang “shutdown” sa Ecuador kontra taas-presyo ng langis

Binarikadahan ng mga katutubo at iba pang sektor ang mayor na mga lansangan sa ilang prubinsya sa Ecuador bilang protesta sa abot-langit na pasirit ng presyo ng mga produktong petrolyo. Kasabay nito, ipinanawagan nila ang kagyat na pagpapatalsik sa presidente ng bansa na si Guillermo Lasso. Inihalal si Lasso sa pwesto noon lamang Mayo. Pinangunahan ang mga protesta ng Ecuadorian Confederation of Indigenous Nationalities o CONAIE.

Sinimulan ang “paro nacional” o pambansang pagsasara (national shutdown) noong Oktubre 26 sa pamamagitan ng pagbarikada sa susing mga sentro ng transportasyon sa bansa, kabilang ang mga daan na nagdudugtong dito sa katabing bansang Colombia. Nagkaroon din ng mga protesta sa mga sentrong lunsod.

Iginigiit ng mga nagpuprotesta na kagyat na irolbak ang presyo ng mga produktong petrolyo sa antas noong Hunyo 2020. Tuluy-tuloy na tumaas ang mga presyo mula pa noong nakaraang taon alinsunod sa kautusang naiilabas ng noo’y presidente ng Ecuador na si Lenin Moreno.

Noong nakaraang linggo, pumayag si Lasso na isuspinde ang buwanang pagtaas at ipako ang presyo ng gasolina sa $0.67 kada litro (P33.50 sa palitang $1=P50) at ang diesel sa P25.00 kada litro. Sa kabila nito, tumanggi ang CONAIE na iatras ang mga protesta.

Nasa Ecuador ang pangatlong pinakamalaking reserbang langis sa Latin America (nangunguna ang Venezuela at Brazil.) Kalakhan ng rekursong langis nito ay nasa Amazon na bahagi ng lupang ninuno ng mg katutubo. Kontrolado ang produksyon ng langis ng PetroEcuador, isang pambansang kumpanya.

AB: Pambansang “shutdown” sa Ecuador kontra taas-presyo ng langis
n/a