Dalagita sa Quezon, iligal na dinitine at ginahasa ng mga sundalo ng 59th IB
January 23, 2022 |

Isinapubliko ng Gabriela Southern Tagalog noong Enero 21 ang kaso ni Belle, isang 15-anyos na batang babae, na biktima ng panggigipit, iligal na detensyon at panggagahasa ng militar sa prubinsya ng Quezon. Sa isinagawang press conference ng Gabriela-ST, dinetalye ni Belle ang pagdukot at iligal na detensyon sa kanya mula Hulyo 27, 2020 hanggang Agosto […]

Di pagsipot ni Marcos sa debate ng mga kandidato, umani ng batikos
January 23, 2022 |

Kabi-kabila ang batikos kay Ferdinand Marcos Jr matapos niyang tanggihan ang paanyaya sa kanya ng isang network sa telebisyon na lumahok sa isang panayam, kasabay ng lima pang kandidato pagkapresidente. Isinahimpapawid ang naturang programa ng GMA-7, na pinangunahan ng mamamahayag na si Jessica Soho, noong hapon ng Enero 22. Sa araw na iyon, nag-trend sa […]

Hustisya at lupa, sigaw ng magsasaka sa ika-35 anibersaryo ng masaker sa Mendiola
January 23, 2022 |

Sa ika-35 anibersaryo ng brutal na Mendiola Massacre, pinangunahan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang paggigiit ng hustisya para sa 13 biktima ng pamamaril ng mga sundalo at pulis noong Enero 22, 1987 sa ilalim ng rehimeng Cory Aquino. Noong araw na iyon, sinalubong ng pamamaril ang mapayapang protesta ng mga magsasaka para sa […]

Manggagawang sa paggawaan ng damit sa Cebu, nagprotesta
January 21, 2022 |

Nagpiket ngayong araw, Enero 21, ang mga manggagawa ng Christine International Philippines Inc., pagawaan ng damit, sa harap ng kanilang pabrika sa Lahug, Cebu City para igiit ang pagbabalik sa kanila sa trabaho. Iligal silang sinisante noong Nobyembre 2021. Sa pangunguna ng Nagkahiusang Trabahante sa Christine (NTC), iginiit ng mga manggagawa sa kumpanya at Department […]

Pinakamabagal sa ASEAN ang pagbangon ng ekonomya ng Pilipinas
January 21, 2022 |

Nananatiling lugmok ang ekonomya ng Pilipinas at mabagal ang pagbangon ng bansa. Sa pinakahuling taya ng Asian Development Bank na inilabas noong Enero 20, sa limang bansa sa Southeast Asia, pinakamalaki ang agwat sa pagitan ng paglago ng ekonomya sa Pilipinas sa ilalim ng pandemya kumpara sa abereyds na paglago nito bago ang pandemya. Sa […]

Solano 3 lumaya na, kasong illegal possession of explosives ibinasura
January 21, 2022 |

Isa pang gawa-gawang kaso ng illegal possession of firearms and explosives ang ibinasura ng korte nitong buwan. Ipinag-utos noong Enero 3 ng RTC Branch 27 Bayombong, Nueva Vizcaya ang gawa-gawang kaso laban sa mga aktibista at magsasakang sina Francis Esponilla, Romar Busania at Michael Gatchalian. Arbitraryong inaresto ang tatlo sa isang tsekpoynt noong Mayo 2015 […]

Panukalang mandatory military service ni Sara Duterte, binatikos
January 20, 2022 |

Inulan ng batikos ang pahayag ni Sara Duterte-Carpio na kung mananalo siya bilang bise presidente, itutulak niya na gawing rekisito sa lahat ng kabataang Pilipino na magsilbi sa militar. Sa isang panayam noong Enero 19, sinabi ni Duterte-Carpio na hindi lamang ROTC (Reserved Officers Training Course) ang itutulak niya kundi ang pagpasok mismo ng kabataan […]

Mga namatay sa tuberkulosis, dumami sa panahon ng pandemya
January 20, 2022 |

Tumaas ang bilang ng mga namatay sa sakit na tuberkulosis (TB) noong 2020 — pinakamataas sa nakaraang sampung taon — dahil sa pagkatigil ng mga batayang serbisyong pangkalusugan sa panahon ng pandemya. Kasunod ang TB sa Covid-19 sa mga nakahahawang sakit na sanhi ng pinakamaraming namatay tao sa buong mundo noong 2020. Umabot sa 1.5 […]

Pag-atake ng AFP sa isang pamilya sa Negros, pinalalabas na engkwentro
January 17, 2022 |

Sa desperasyong kamtin ang hibang na layunin na durugin ang Bagong Hukbong Bayan (BHB) bago matapos ang termino ni Rodrigo Duterte, muling nagpakana ang 62nd IB ng isang pekeng engkwentro sa Guihulngan City, Negros Oriental noong Enero 15. Napatay si Arnold Swerte, isang magsasaka, nang paulanan ng bala ng mga sundalo ang kanyang bahay sa […]

Paaralang Lumad sa Davao de Oro, giniba ng AFP
January 17, 2022 |

Giniba ng mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at kasapakat nitong paramilitar ang paaralang Lumad sa Sityo Cambudlot, Barangay San Miguel, Compostela, Davao de Oro noong Enero 14. Ang paaralang Salugpungan Ta’Tatanu Igkanugon Learning Center Inc. ay binuo ng samahang pangkomunidad noong pang 2011 para magibigay ng libre at makabuluhang edukasyon sa […]