Mga maton ng mga pulitiko sa Surigao del Sur, nanakot at nanggulo noong Mayo 9

,

Iniulat ngayong araw, Mayo 11, ang samutsaring pananakot at panggugulo ng mga armadong maton ng pulitiko sa iba’t ibang bahagi ng Surigao del Sur noong panahon ng botohan. Ang mga insidente ay iniulat sa mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan ng mga residente mula sa mga bayan ng Carmen, Cantillan, Lanuza, Bayabas at Madrid.

Mariing pinasinungalingan ni Ka Sandara Sidlakan, tagapagsalita ng BHB-Surigao del Sur, ang ipinagkakalat ng AFP at PNP sa publiko na ang ang BHB nanakot at nanggulo noong botohan.

Sa Barangay Hinapuyan, sa bayan ng Carmen, tinakot ng mga armadong maton ng tumatakbong konsehal na si Caldo Iligan. Sinisilip ang balota ng mga botante at kung iba ang kanilang ibinoto ay binabantaang papatayin, ayon sa ulat.

Ayon sa impormasyong nakalap nila Sidlakan, dinisarmahan ng mga armadong tauhan ng meyor ng Carmen na si Jane Plaza ang mga maton ni Caldo. Ang mga tauhan ni Plaza ay mga paramilitar na may rekord ng pagmasaker sa mga Lumad Manobo. Ang mga armas ng grupo ni Caldo ay galing sa 36th IB. Walang ginawang aksyon ang PNP sa kaguluhan at sa halip dinagdagan lamang ng escort na pulis si Caldo.

Sa Barangay Agsam sa bayan ng Lanuza, pinasok ng mga armadong maton ng isang pulitiko ang mga bahay noong Mayo 9. Sa Barangay Sibajay, pinaputukan ang sasakyan ni Ray Shachem Azarcon, tumatakbong meyor ng Lanuza, noong umaga ng araw ng eleksyon. Sugatan sa pamamaril ang kanyang badigard na si Alfonso Uriarte.

Sa Barangay Unyon, Madrid, pinaputukan ng mga armadong maton na hawak ng pamilyang Pichay ang mga kakampi ng kalaban nilang partido na hawak ng mga Pimentel noong Mayo 8.

Sa Barangay Amag, Bayabas, nagbarilan ang dalawang grupo ng mga maton na hawak ni Boy Montero mula sa partidong Team Gugma at Puli Lozada, kasalukuyang vice mayor at nasa ilalim ng Team Hugpong. Isa ang patay sa hanay ng Team Gugma.

AB: Mga maton ng mga pulitiko sa Surigao del Sur, nanakot at nanggulo noong Mayo 9
n/a