Mga atake sa mga tagapagtanggol ng kalikasan, apat na ulit nang dumami ngayong taon

,

Apat na beses nang lumaki ang bilang ng mga atake sa aktibista at mamamayang nagtatanggol sa kalikasan mula Enero ngayong taon.

“Tumaas nang 483% ang bilang ng inatakeng tagapagtanggol ng kalikasan at 350% pagtaas ng bilang ng insidente matapos pormal na buksan ang kampanya para sa eleksyon,” ayon kay Leon Dulce, pambansang koordineytor ng Kalikasan People’s Network for the Environment.

Kabilang sa mga inulat ng grupo ang pananakit, iligal na pang-aaresto at detensyon sa mga magsasaka at mangingisda ng mga bayarang goons sa Pantungan, Cavite at San Jose del Monte, Bulacan na bumiktima as 52 indibidwal. Tatlo pang indibidwal — sina Dr. Naty Castro, Harlyn Balora at Agnes Mesina — ang iligal na inaresto at ikinulong. Ang tatlo ay aktibo sa mga kampanya kontra-mina. Si Dr. Castro ay kilala sa pakikipaglaban para sa karapatan ng mga Lumad para sa kanilang lupang ninuno. Biktima naman ng arson ang 236 magsasakang benepisyaryo ng lupa sa Concepcion, Tarlac.

Noong Pebrero 27, tinangkang patayin si Filipina Grace Amerika, kasalukuyang meyor ng Infanta sa bayan ng Quezon. Isa si America sa pinakamariing tumututol sa konstruksyon ng Kaliwa Dam na maglulubog ng libu-libong ektaryang kagubatan at mga komunidad ng mga Dumagat sa lugar.

Nanawagan ang Kalikasan sa mamamayan na igiit kapwa sa mga upisyal ng gubyerno, gayundin sa mga kumakandidato, na harapin ang kalagayan ng mga tagapagtanggol sa kalikasan at gawin itong usapin sa panahon ng eleksyon.

AB: Mga atake sa mga tagapagtanggol ng kalikasan, apat na ulit nang dumami ngayong taon
n/a