Manggagawa sa poso negro, namatay sa pagkalunod

Isang manggagawa ng EC Soliman Septic Tank Disposal sa Pasay City ang nasawi matapos mahilo ang mga manggagawa sa sumabog na bumubulang likido sa isang septic tank o poso negro. Bigong makalabas dito ang biktimang si Jesus Sison. Apat pang trabahador ang nailigtas mula sa septic tank.

Nanawagan ang Kilusang Mayo Uno at Institute for Occupational Health and Safety Development (Iohsad) sa Department of Labor and Employment na kagyat na imbestigahan ang kasong ito at bigyang hustisya ang pagkamatay ni Sison.

Ika-13 si Sison sa nasawi dahil sa kawalan ng kaligtasan sa paggawa. Sa mga kasong ito, wala pang napapanagot na employer sa mga kapabayaang nagresulta sa pagkamatay ng mga manggagawa, ayon sa grupong Iohsad.

AB: Manggagawa sa poso negro, namatay sa pagkalunod
n/a