Katutubong Dulangan, pinatay ng mga sundalo sa Sultan Kudarat

,

Isang kagawad ng barangay ang pinaslang ng nag-ooperasyong yunit ng 7th IB sa isang gubat sa Sultan Kudarat noong Hunyo 6. Ang biktima ng pamamaslang ay kinilalang si Calisa Langgaw, 57, may asawa at isang Dulangan na residente ng Sityo Matingaw, Brgy. Tacuhin, Palimbang.

Pinaslang si Langgaw habang nangangaso sa burol ng Oh Luson, sakop ng Sityo Matingaw. Para pagtakpan ang krimen naglagay ang mga sundalo ng M16 sa biktima para palabasin na myembro siya ng Bagong Hukbong Bayan. Ang totoo, isang baril na de holen lamang ang kanyang dala.

AB: Katutubong Dulangan, pinatay ng mga sundalo sa Sultan Kudarat
n/a