Kaso sa 2 aktibista sa Maynila, ibinasura

,

Ibinasura ngayong araw, Nobyembre 24, ang gawa-gawang kaso ng illegal possesion firearms and explosives laban sa mag-asawang aktibista na dinakip sa Metro Manila noong 2019. Ipinawalambisa ng Manila Regional Trial Court Branch 19 ang mga kasong kinakaharap ni Cora Agovida, tagapagsalita ng Gabriela sa Metro Manila at Michael Bartolome, organisador ng grupong Kadamay.

Iligal na inaresto ang mag-asawa noong Oktubre 31, 2019 sa kanilang bahay sa Paco, Manila. Kasama nila noon ang kanilang dalawang anak. Ginamit laban sa kanila ang kwestyunableng search warrant na inisyu ni Quezon City Executive Judge Cecilyn Burgos-Villavert. Si Villavert din ang naglabas ng mga warrant sa iba pang upisina at bahay sa Maynila at Negros na sunud-sunod na sinalakay mula Oktubre hanggang Nobyembre noong taong iyon.

Nagrali sa harap ng city hall ng Maynila ang grupong Kapatid upang ipanawagan na kagyat napagpapalaya sa mag-asawa. Ang kasong illegal possession and firearms laban sa kanila ay kabilang sa 20 kaso na ibinasura ng mga korte ngayong taon.

Bukod sa mag-asawa, iligal ding inaresto sina Ram Carlo Bautista, Reina Mae Nasino at Alma Moran, mga kasapi ng Bayan-Manila noong Nobyembre 2019.

Sa kaparehong estilo, magkakasabay namang inaresto sa magkakaibang lugar ang #HRDay7 na kinabibilangan nila Dennise Velasco, Lady Ann Salem, Rodrigo Esparago, Mark Ryan Cruz, Romina Astudillo, Jaymie Gregorio at Joel Demate noong Disyembre 10, 2020. Sa ngayon, sina Salem at Esparago pa lamang ang nakalaya matapos ibasura ng korte ang search warrant na ginamit laban sa kanila.

AB: Kaso sa 2 aktibista sa Maynila, ibinasura
n/a