Kahit Semana Santa, AFP nanganyon sa Agusan del Norte

,

Walang sinasanto ang mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa panibagong serye nito ng panganganyon malapit sa sibilyang komunidad sa Palo 12, Barangay Poblacion 2, Santiago, Agusan del Norte nitong Huwebes.

Anim na beses na kinanyon ng 29th IB ang mabundok na bahagi ng komunidad na nagdulot ng takot sa mga sibilyan. Dahil sa panganganyon, nataboy at napalayas ang mga maliliit na minero sa lugar.

Ayon sa ulat ng Lingkawas, panrehiyong publikasyon ng Northeastern Mindanao, marami ang bumabang malilit na minero mula sa panning area pabalik sa sentrong barangay at lungsod dahil sa takot. Tinatayang aabot sa 50% sa mga residente sa nasabing bayan ay naghahanapbuhay sa panning area.

Kinanyon ng 29th IB ang lugar matapos bigwasan ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Agusan del Norte ang 40 elemento ng mga sundalo. Dalawa ang paunang ulat na kaswalti sa armadong aksyon ng BHB.

Sa panahon ng tradisyunal na paggunita ng mga Katolikong Pilipino sa Semana Santa, nagpapatuloy ang mga operasyong militar at kombat sa mga kabundukan na gumagambala at bumabasag sa kapayapaan ng mga komunidad.

AB: Kahit Semana Santa, AFP nanganyon sa Agusan del Norte
n/a