Food Panda Philippines, pinagbabayad ng ₱2-milyon sa sinisanteng mga rider

,

Sa desisyon na inilabas ng National Labor Relations Commission sa Davao, pinagbabayad ng mahigit ₱2 milyon ang Foodpanda Philippine Incorporated bilang kumpensasyon sa iligal nitong pagtanggal sa pitong delivery rider sa Davao City.

Ang Foodpanda ay kumpanyang nagdedeliber ng pagkain. Ang pitong rider na tinanggal nito ay sina Edmund Carrillo, Francis Ghlenn Costan, Nerjhun Claramon, Manuel Lapiña, Jeffrey Cabusas at Nawar Solaiman.

Ayon sa decision ng labor arbiter na si Rovyne Jumao-as ng RAB-XI, dapat bayaran ng kumpanya ang mga manggagawa ng kanilang buong sahod, kabilang na ang 13th month pay, separation pay at service incentive leave. Tatanggap ang bawat manggagawa ng ₱234,000 hanggang ₱368,000.

Nagprotesta noong Hulyo 2021 ang mga manggagawa kontra sa walang malinaw na kwenta ng kanilang kita sa bawat deliberi, kawalan ng benepisyo at proteksyon. Kinwestyon din nila ang 10-taong suspensyon ng mga drayber dahil sa paglahok sa protesta nang hindi sumipot ang maneydsment sa kanilang dayalog.

Tinatayang 300 delivery riders ang lumahok sa protesta.

AB: Food Panda Philippines, pinagbabayad ng ₱2-milyon sa sinisanteng mga rider
n/a