Asawa ng bilanggong pulitikal, dinukot; Magsasaka, iligal na inaresto

,

Dinukot ng di nakilalang mga tao si Joyna Lacio Sabanal, asawa ng bilanggong pulitikal at magsasakang si Roger Sabanal, sa Fortune Towne, Bacolod City noong Enero 6.

Si Sabanal ay residente ng Barangay Buenavista, Himamaylan City. Ayon sa kanyang huling mensahe, dinukot siya ng tatlong tao kabilang ang isang babae. Bago pa ang insidente, nakatatanggap na ng mga pagbabanta at pananakot si Sabanal kaugnay na rin ng pagka-aresto ng kanyang asawa noon pang 2019.

Samantala, dinakip ng dalawang pulis ang lider-magsasaka na si Domingo Sebastian noong Enero 10 nang alas-otso ng gabi sa Barangay Bulo, Tabuk City, Kalinga. Si Sebastian ay isang manggagawang-bukid na miyembro ng Danggayan dagiti Mannalon ti Isabela (DAGAMI).

Ayon sa paunang ulat, inaresto siya para “linisin” ang kanyang pangalan sa akusasyong sangkot siya sa rebolusyonaryong kilusan.

AB: Asawa ng bilanggong pulitikal, dinukot; Magsasaka, iligal na inaresto
n/a