94th IB, pinaputukan ng hukbong bayan sa Central Negros

,

Pinaputukan ng mga Pulang mandirigma ng Negros sa dalawang hiwalay na lokasyon ang nag-ooperasyong mga tropa ng 94th IB. Aung una ay naganap noong Oktubre 17, alas-2 ng hapon, sa Barangay Mandapaton, La Libertad, Negros Oriental at ang pangalawa ay sa Barangay Amontay, Binalbagan, Negros Occidental noong Nobyembre 9, alas-7 ng gabi.

Ayon sa BHB-Central Negros, naghahasik ng teror ang mga tropang militar sa bulubunduking bahagi ng mga bayan ng Binalbagan, Isabela, Moises Padilla, Guihulngan at Vallehermoso. Kamakailan lamang, ayon pa sa BHB, di bababa sa 100 tropa ng 62nd IB at mga pulis ang dumagsa sa Sityo Parkingan, Barangay Trinidad, Guihulngan City. Nagpataw ang mga pasistang tropa ng mga paghihigpit laban sa kilos ng mga residente, kabilang ang mga upisyal ng barangay at tanod.

AB: 94th IB, pinaputukan ng hukbong bayan sa Central Negros
n/a