Archive of AB Dailies

Pagdawit sa mga madre sa “terorismo,” binatikos
August 17, 2022

Kabi-kabilang batikos ang sumalubong sa pagsasakdal sa 16 na indibidwal, kabilang ang apat na madre ng Rural Missionaries of the Philippines, sa kasong “pagpopondo sa terorismo.” Isinapubliko kahapon ng Department of Justice ang kaso kasabay ng pagsasampa nito sa Iligan City Regional Trial Court. Inaakusahan ang mga madre at iba pa na lumabag sa seksyon […]

Pag-unblock sa website ng Bulatlat, ipinag-utos ng korte
August 17, 2022

Inilabas ng lokal na korte sa Quezon City ang isang atas kahapon, Agosto 16, na nag-uutos sa National Telecommunications Commission (NTC) na pansamantalang i-unblock ang website ng Bulatlat matapos ang higit dalawang buwan nitong pagkaka-block. Sang-ayon ito sa isinampang ‘writ of preliminary injunction’ ng Bulatlat sa naturang korte. Ang atas ay inilabas matapos magbayad ng […]

Sa ika-4 na taon: Hustisya, patuloy na sigaw para sa Antique 7
August 17, 2022

Ginunita ng mga kaanak, pamilya at kaibigan ng Antique 7 ang ika-4 na taong anibersaryo ng kanilang pagkamatay noong Agosto 15. “Muli namin silang inaalala, ipinagdadalamhati at ipinagdadasal. Muli kaming sumisigaw ng hustisya,” saad nila. Ang Antique 7 ang pagkakakilala sa pitong myembro ng National Democratic Front-Panay na pinagbabaril at pinaslang ng mga sundalo at […]

Pagpapangalan ng isang unibersidad kay Marcos Sr, binatikos
August 17, 2022

Tinutulan ng mga biktima ng batas militar at kabataan ang planong pagpapalit-pangalan ng isang state university sa Batac, Ilocos Norte tungong Ferdinand E. Marcos State University. Isinusulong ang pagpapalit-pangalan sa House of Representatives at naipasa sa antas-komite noong Agosto 16. “Ito ay walang-hiyang tangka na pabanguhin ang sirang pangalan ng diktador na si Ferdinand E. […]

Bagsak na edukasyon sa Pilipinas, isa sa pinakamalala sa buong mundo
August 17, 2022

Sadsad sa mga pamantayan ng pagkatuto ang katayuan ng batayang edukasyon sa Pilipinas ngayon. Pinalala ng maling patakaran ng absoluto at matagal na pagpapasara sa mga eskwelahan sa panahon ng pandemya ang dati nang mga masidhing krisis sa sistema sa edukasyon. Sa pinag-isang ulat na inilabas noong Hunyo ng iba’t ibang internasyunal na ahensya na […]

Pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal ng India, ikinakampanya
August 17, 2022

Nanawagan ang International Committee to Support the People’s War in India (ICSPWCI), komiteng sumusuporta sa Communist Party of India (Maoist) at kanilang mga pakikibaka, sa lahat ng demokratikong organisasyon at kilusan na suportahan ang Pandaigdigang Linggo ng Pagkilos sa darating na Setyembre 13 hanggang 19. Panawagan nito ang pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal sa India. […]

Mga Sorsoganon, di nalilinlang ng hungkag at pakitang-taong programa ng AFP
August 17, 2022

“Paulit-ulit, nakapapagod at nakasusuya” ang tingin ng mga residente ng mga lugar na pinagdausan ngayong taon ng “Serbisyo Caravan,” isang hungkag at pakitang-taong programa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP), katuwang ang lokal na gubyerno ng Sorsogon. Ang programa na ito ay isinasagawa bilang bahagi ng Retooled Community Support […]

Labi ng batang biktima ng gera kontra-droga, hinukay para muling ma-awtopsiya
August 16, 2022

Tumungo kahapon, Agosto 15, ang mga kaanak ni Kian de los Santos, biktima ng “gera kontra-droga” ng rehimeng Duterte, sa La Loma Cemetery sa Maynila para i-exhume (hukayin o ilabas sa nitso) ang kanyang mga labi. Ngayong araw ang katapusan ng upa sa nitso sa sementeryo. Ang pag-exhume ay isinagawa sa tulong ng Project Arise, […]

Kapalpakan ng mga heneral: Nangag-ekspayr na mga bakuna, nangabulok na ayudang pagkain
August 16, 2022

Magkasunod na nabunyag ang kapalpakan at kainutilan ng mga heneral na itinalaga ng nagdaang rehimeng Duterte sa matataas na pusisyon ng estado. Sa isang pagdinig sa Senado kahapon, Agosto 15, nabunyag na nalustay ang ₱5.78 bilyon sa mga bakunang kontra-Covid 19 na nag-ekspayr at mag-eekspayr ngayong Agosto. Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, tumalon mula 4.7% tungong […]

Pagkitid ng ekonomya, nagbabadya ng dagdag pang paghihirap
August 16, 2022

Anumang pagpapabango ng mga upisyal sa ekonomya ng estado, hindi nila mapagtakpan ang sangsang ng nabubulok na ekonomya. Kahapon, isiniwalat ng mismong ahensya ng gubyerno sa estadistika na muli na namang kumitid ang ekonomya noong ikalawang kwarto ng taon. “Ipinapakita nito na nananatiling mahina at nangangailangan ng dagdag na determinadong aksyon mula sa panig ng […]

n/a