Mga rider sa Davao, gwardya ng UP, nagkamit ng mga tagumpay

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisaya

Dalawang samahan ng mga kontraktwal na manggagawa ang magkasunod na nagkamit ng mga tagumpay noong nakaraang linggo.

Sa Davao, iniutos ng National Labor Relations Commission na bayaran ng Foodpanda Philippines Incorporated ng ₱2 milyon ang pitong manggagawang iligal nitong tinanggal bilang mga delivery rider noong nakaraang taon. Ang Foodpanda ay kumpanyang nagdedeliber ng pagkain.

Kabilang ang pito sa daan-daang manggagawa ng Foodpanda na nagprotesta noong Hulyo 2021 dahil sa walang malinaw na kwenta ng kanilang kita sa bawat deliberi, kawalan ng benepisyo at proteksyon. Kinwestyon din nila ang 10-taong suspensyon ng mga drayber dahil sa paglahok sa protesta nang hindi sumipot ang maneydsment sa kanilang dayalog.

Samantala, sa Quezon City, tuluyan nang ibinasura ng administrasyon ng University of the Philippines-Diliman noong Hulyo 29 ang kanilang kontrata sa FEMJEG Security Agency. Noong Hunyo, sinisante ng kumpanyang ito ang mahigit 100 gwardya na deka-dekada nang nagtatrabaho sa unibersidad bago ibigay ng UP sa kanila ang kontrata. Nagreklamo naman ang mga gwardya sa ilalim ng kanilang agency kaugnay ng pagkaantala at pambabarat ng kanilang sahod. Wala rin silang benepisyo at pinagbantaang tatanggalin sa trabaho kung magreklamo sa Department of Labor and Employment.

Mga rider sa Davao, gwardya ng UP, nagkamit ng mga tagumpay
n/a