Mga residente, tutol sa pagmimina sa Romblon

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishHiligaynonBisaya

Noong Hulyo 26, nagmartsa ang mga residente ng Romblon at mga grupong maka-kalikasan para magprotesta sa harap ng upisina ng Department of Environment and Natural Resources sa Quezon City.

Panawagan nilang itigil ang planong pagmimina sa Sibuyan Island. Ayon sa mga residente, apektado ng pagmimina ang kanilang kabuhayan na nakadepende sa yamang-dagat, lupa ng palayan, kopra, at mga pananim na gulay.

Noong 2011, napatigil ang operasyon ng Atlas Philippines Mining Corporation sa Sibuyan dahil sa idinulot nitong paninira sa kalikasan sa isla. Subalit nitong Setyembre 2021 muli itong pinahintulutang mag-opereyt matapos ilabas ni Rodrigo Duterte ng Executive Order 130.

Mga residente, tutol sa pagmimina sa Romblon
n/a