Pagpaslang sa batang Mangyan, kinundena ng NDFP

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisaya

Nanawagan ng hustisya si Coni Ledesma, pinuno ng Special Office for the Protection of Children ng NDFP, para sa batang pinatay ng mga elemento ng 4th IB 4th IB sa Sityo Tauga Daka, Barangay San Vicente, Roxas, Oriental Mindoro noong Hulyo 3.

Namatay ang bata matapos paulanan ng bala ng mga sundalo at pulis ang bahay ni G. Inyab, isang katutubong Mangyan-Buhid sa naturang sityo. Ganti nila ito matapos aksidenteng makatapak sa mga patibong para sa baboy-ramo ang tropa nila habang naglalakad sa lupa ni G. Inyab. Pinalabas ng mga sundalo na napaslang sa isang engkwentro ang bata at inaresto si G. Inyab, isang matandang babae at isa pang bata.

Dapat bigyan ng indemnipikasyon ng mga sundalo ang pamilya ng biktima bilang kabayaran sa pinsalang idinulot nila at paglabag sa internasyunal na makataong batas, aniya.

Pagpaslang sa batang Mangyan, kinundena ng NDFP
n/a