80 tindahan sa Carbon Market, dinemolis

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisaya

Magkasunod na demolisyon ang isinagawa ng mga tauhan ng lokal na gubyerno ng Cebu City sa 80 tindahan sa Unit II sa Carbon Public Market noong Hulyo 15 at 18. Kaugnay ito ng isasagawang pribatisasyon sa naturang palengke na pinangangasiwaan ng Mega-wide Construction Corporation, katuwang ang lokal na gubyerno.

Ayon sa grupong Carbonhanong Alyansa alang sa Reporma ug Bahandianong Ogma sa mga Nanginabuhi (CARBON), tataas ang renta sa pwesto dahil sa pribatisasyon at magiging eksklusibo sa iilang manininda.

Itinuloy ang demolisyon sa kabila ng barikada na itinayo ng mga manininda at kanilang mga tagasuporta.

Tinatayang 12,000 manininda at trabahador ang mawawalan ng pwesto. Dagdag dito, tinatayang 700 kabahayan ang idedemolis sa katabing Sityo Bato, Barangay Ermita na sasaklawin ng konstruksyon ng bagong mga gusali.

80 tindahan sa Carbon Market, dinemolis
n/a