Pambansang welga, inilunsad sa Ecuador

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisayaHiligaynon

Inilunsad mula Hunyo 13 ng mga katutubo at mamamayan sa Ecuador ang walang taning na Paro Nacional (pambansang welga) laban sa neoliberal na mga patakaran na sanhi ng kanilang kahirapan. Sa pangunguna ng Confederación de Nacionalidades Indígenas (Conaie), isang pederasyon ng mga grupong katutubong Ecuadorian, libu-libo ang humugos sa iba’t ibang lansangan para pigilan ang pagdaan ng mga sasakyan at tao. Pinaralisa nila ang mahigit 20 mayor na mga daan.

Kabilang sa kanilang iginigiit ang pagpapababa at pagpako sa presyo ng langis (may lokal na produksyon ang bansa), subsidyo para mahihirap at iba pang reporma na taliwas sa dikta ng International Monetary Fund sa bansa.

Noong Hunyo 14, iligal na inaresto ang presidente ng Conaie na si Leonardo Iza at idinetine sa loob ng 24 oras. Noong Hunyo 19, nagdeklara ang presidente ng bansa na si Lasso Guillermo ng state of exception (kapareho ng state of emergency na malapit sa batas militar) sa tatlong prubinsya kung saan pinakamalakas ang mga protesta.

Pambansang welga, inilunsad sa Ecuador
n/a