Trahedyang Marcopper, pamana ng diktadurang Marcos Sr.

,
Ang artikulong ito ay may salin sa HiligaynonEnglishBisaya

Maituturing na tagumpay ang desisyon ng Regional Trial Court sa Marinduque noong Mayo 16 na nag-oobliga sa Marcopper Mining Corporation na magbayad ng danyos nang hanggang ₱10 milyon para sa insidente ng mine spill noong 1993. Gayunpaman, hindi matutumbasan ng kahit anong halaga ang paulit-ulit at matagalang mga pinsalang idinulot ng pagmimina ng kumpanya sa mamamayan ng Marinduque.

Nagmula ang hatol sa kasong isinampa ng 30 indibidwal kaugnay sa pagkawasak ng dam ng kumpanya na nagresulta sa pagbaha at pagkasira ng kabuhayan ng mga residente ng dalawang barangay sa Mogpog, Marinduque. Nasundan ito ng mas malaking trahedya nang mawasak ang dam ng basura at tumapon sa Boac River ang halos 200 milyong toneladang nakalalasong kemikal noong Marso 24, 1996. Ang insidenteng ito, na itinuturing na pinakamalala sa kasaysayan ng bansa, ay may matagalang pinsala sa buhay at kabuhayan ng mga Marinduqueño.

Ang mga trahedyang idinulot ng Marcopper ay kabilang sa mga pamana ng diktadurang Marcos na hanggang ngayon ay iniinda ng mamamayan. Itinatag ang kumpanya noong 1969 gamit ang pondo mula sa Asian Development Bank, na noo’y nagmamay-ari ng 40% nito. Noong 1975, pinahintulutan ni Ferdinand Marcos Sr. ang kumpanya na magtapon ng basura sa Calancan Bay sa kabila ng malawak na pagtutol ng residente sa isla. Sa pamamagitan ng kanyang mga kroni, pinagmay-ari ng diktador ang 49% sa korporasyon. Gamit ang estado-poder, pinigilan niya ang mga pagbatikos at pagsalungat ng mamamayan sa minahan. Isinuspinde niya ang mga regulasyong pangkapaligiran kahit malinaw ang pinsalang idudulot nito sa kalapit na mga komunidad.

Para sa dagdag na detalye, basahin ang artikulo sa www.cpp.ph

Trahedyang Marcopper, pamana ng diktadurang Marcos Sr.
n/a