37th IB, inambus ng BHB-Sultan Kudarat

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisayaHiligaynon

Tinambangan ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Sultan Kudarat ang mga sundalo ng 37th IB na bumabaybay sa haywey malapit sa Sityo Babangkaw, Barangay Paril, Kalamansig, Sultan Kudarat noong Mayo 31. Limang sundalo ang napatay at pito ang nasugatan. Dulot nito, naantala ang isasagawang operasyong kombat ng 37th IB sa bayan ng Palimbang.

Ikinagalak ng mamamayan sa lugar ang inilulunsad ng BHB na kampanya laban sa malakihang pagtotroso sa Timog Daguma. Sa isang operasyon ng BHB noong Hunyo 1, matagumpay na napatigil ang iligal na operasyon sa Sityo Manga, Barangay Kibohol, Palimbang. Dalawang opereytor ang pansamantalang dinetine ng mga Pulang mandirigma. Ang grupong ito na pinamumunuan ng isang Mondragon Digandang ay kasabwat ng D.M. Consunji Incorporated (DMCI) sa iligal na pagtotroso.

Masinsing kinausap ng mga Pulang mandirigma ang mga magtotroso at ipinaintindi ang kahalagahan ng pagtatanggol sa lupang ninuno at pangangalaga sa kalikasan. Nangako ang dalawa na ititigil ang iligal na operasyon at pakikipagtulungan sa DMCI.

Sa Lanao del Sur, pinaputukan ng isang yunit ng BHB ang nag-ooperasyong yunit ng 34th IB sa mabundok na bahagi ng Maguing noong Mayo 25. Dalawa ang napaslang sa mga sundalo habang tatlo ang nasugatan.

37th IB, inambus ng BHB-Sultan Kudarat
n/a