Pagbabasura sa petisyon laban kay Marcos, binatikos

,

Binatikos ng mga biktima ng batas militar ang pagbasura ng Commission on Elections (Comelec) sa kanilang petisyon para ipawalambisa ang kandidatura ni Ferdinand Marcos Jr. noong Enero 17.

Nanindigan ang mga petisyuner na hindi pwedeng tumakbo sa anumang pusisyong pampubliko sa anumang halalan si Marcos Jr. dahil nahatulan siyang nagkasala noong 1995 sa kasong hindi pagbabayad ng buwis.

Sa harap nito, magsasampa ang mga petisyuner ng mosyon para hamunin ang desisyon. Maliban sa ibinasurang petisyon, kinakaharap pa rin ni Marcos Jr., ang tatlo pang kasong diskwalipikasyon na nakasampa sa Comelec.

Pagbabasura sa petisyon laban kay Marcos, binatikos
n/a