Kalatas June 2021 | Isa patay at 2 sugatang AFP sa ambus ng AMC-BHB Quezon

| Armed struggle | Kalatas | Publications | Regions
June 30, 2021
Share and help us bring this article to more readers.

Kumpirmadong patay ang isang sundalo habang dalawa ang sugatan matapos masabugan ng command detonated explosive ng Apolonio Mendoza Command (AMC)-BHB Quezon ang 6×6 military truck na lulan ang mga mag-ooperasyong 85th Infantry Battalion of the Philippine Army (IBPA) at pulisya sa Brgy. Batabat Sur, Buenavista, 11:40 ng umaga noong Hunyo 5.

Sa kanilang kahihiyan, pinalabas ng mga buhong na pasista na inatake sila ng AMC sa proseso ng paglulunsad ng relief operations sa naturang baryo. Ngunit ang totoo, plano nilang iparada ang mga sapilitang pinasukong taumbaryo, kabilang ang mga katutubong Manide (isang grupo ng mga Aeta). Nilalansi ng mga berdugo ang mga katutubo gamit ang pekeng relief operations para maging makinarya ng NTF-ELCAC. Sinusuhulan ang mga mamamayan ng bigas at groceries at may mga binigyan ng cellphone para obligahing magreport sa mga sundalo.

Noong huling linggo ng Mayo, nagreklamo ang taumbaryo at mga katutubo sa kakarampot na ipinamahaging relief goods sa Barangay del Rosario, San Pedro at Mabini ng Buenavista gayong daan- daang sako ng bigas ang nalikom na donasyon. Iginigiit nilang maglabas ng tapat na ulat ang lokal na ahensya ng gubyerno at 85th IBPA sa kanilang nalikom at distribusyon. Ipinagbunyi ng mamamayan ng Quezon ang matagumpay na taktikal na opensiba ng BHB Quezon.

Ayon naman kay Cleo del Mundo, tagapagsalita ng AMC-BHB Quezon, “Ang aksyong militar ng AMC ay pamamarusa sa 85th IBPA sa patung-patong nitong kasalanan sa mamamayan kabilang ang pambobomba at walang habas na pamumutok sa mga komunidad ng hangganan ng Buenavista, Catanauan, Mulanay at San Narciso noong Pebrero 5-8; walang-awat na focused military operations at retooled community support program operations; at pagsisilbing private army at security ng mga negosyo ng panginoong maylupa-burukrata na si Mayor Ma. Remedios Uri-Rivera ng Buenavista.”###

PRWC News Story: Kalatas June 2021 | Isa patay at 2 sugatang AFP sa ambus ng AMC-BHB Quezon