Ang Bayan
April 21, 2021

3 maiiksing armas, nasamsam ng BHB-Negros

Share and help us bring this article to more readers.

Dalawang ahenteng paniktik ng 15th IB ang napaslang sa ambus ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Southwest Negros (Armando Sumayang Jr. Command) noong Abril 3 sa Sityo Cambaga, Yaoyao, Cauayan, Negros Occidental. Nakuha sa kanila ang isang .45 kalibreng pistola, isang 9mm Glock at mga dokumento ng pagkakakilanlan. Pagkahapon, apat na sundalo ng 15th IB ang napaslang sa isang engkwentro sa yunit ng BHB.

Noong Abril 13, isa pang pistola ang nasamsam mula sa aktibong ahente ng 7th Intelligence Service Unit sa Barangay Consing, E.B. Magalona, Negros Occidental.

Isang araw bago nito, tatlong backhoe ang pinaralisa ng BHB-North Negros sa Barangay E. Lopez, Silay City. Ginagamit ang mga backhoe sa operasyong kwari sa naturang lugar na naging sanhi ng matinding pagbaha at pagkasira ng kalikasan. Tinatayang aabot sa ₱16.6 milyon ang halaga ng mga ito na pagmamay-ari ni Mayor Mark Andrew Golez ng Silay City.

AB (2021-04-21): 3 maiiksing armas, nasamsam ng BHB-Negros