Ang Bayan
April 07, 2021

Pag­ka­lu­gi ng mga mag­sa­sa­ka ng aba­ka sa Bicol

Share and help us bring this article to more readers.

Ba­go pa ang pan­dem­yang Covid-19, na­lu­lu­gi na ang mga mag­sa­sa­ka ng aba­ka sa Ca­tan­dua­nes. Ang 50 ki­lo ng aba­ka ay nai­be­ben­ta la­mang sa ha­la­gang ₱3,000, na relatibong mas mababa kum­pa­ra sa ka­buuang gas­tos sa pro­duk­syon at upa sa pa­ngi­no­ong may­lu­pa na umaa­bot sa ₱5,000.

Sa pang­ka­la­ha­tan, ti­na­ta­yang hin­di ba­ba­ba sa 200,000 ang mga pa­mil­yang mag­sa­sa­ka na nag­ta­ta­nim ng aba­ka sa buong ban­sa. Si­na­sak­law ni­to ang 180,302 ek­tar­ya ng ta­ni­man ng aba­ka. Atra­sa­do, ka­lat-ka­lat at hin­di sis­te­ma­ti­ko ang pag­ta­ta­nim ng aba­ka. Wa­lang ma­ka­bu­lu­hang pag-un­lad ang mga ka­ga­mi­tan sa pro­duk­syon at ma­numa­no ang pag­ta­ta­nim, pag-aa­ni hang­gang sa pag­hag-ot o pag­su­yod pa­ra ma­ku­ha ang mga hib­la.

Ka­ra­ni­wang umaa­bot ng da­la­wang taon ba­go ma­pa­ki­na­ba­ngan at maa­ni ang aba­ka mu­la sa pag­ta­ta­nim ni­to. Tat­lo hang­gang apat na bu­wan na­man ang inaa­bot ba­go ito mu­ling tu­mu­bo. Sa 20-30 pu­no ng aba­ka, na­ka­ka­pag-a­ni ang mag­sa­sa­ka ng 20 ki­lo ng aba­ka na na­nga­ngai­la­ngan ng 2-3 tau­han pa­ra ani­hin ng 2-3 araw.

Ang Ca­tan­dua­nes, ayon sa Phi­lip­pi­ne Fi­ber Industry Deve­lop­ment Aut­ho­rity, ang nag­su­sup­lay ng 30% ng aba­ka sa buong ban­sa. Ang re­hi­yon ng Bicol ang may pi­na­ka­ma­la­king ba­hag­dan ng pro­duk­syon ng aba­ka.

Ayon sa pag-aa­ral ng Ka­wa­ni­han sa Instruk­syon ng Par­ti­do Ko­mu­nis­ta ng Pi­li­pi­nas sa Bicol, ang abe­reyds na pre­syo ng tu­yong aba­ka sa Ca­tan­dua­nes ay ₱60/ki­lo ba­go ang pan­dem­ya. Maaa­ri pang mag­ba­go ang pre­syo ng tu­yong aba­ka ba­tay sa ka­li­dad ni­to. Ka­da­la­sang mas ba­rat ang pre­syo ng tu­yong aba­ka kung ito ay hin­di ma­pu­ti. Pa­ra ma­ka­pag­ben­ta ng 50 ki­lo ng tu­yong aba­ka, gu­ma­gas­tos ng ka­buuang ₱4,210 ang mga mag­sa­sa­ka pa­ra sa pro­duk­syo­n.

Ma­kuk­wen­ta ang gas­tos sa su­mu­su­nod na pa­ra­an: ₱600 pa­ra sa pag­ha­ha­wan at pag­pu­pu­tol ng mga pu­no ng aba­ka. Mi­ni­mum na da­la­wang mag­sa­sa­ka ang kai­la­ngang iemple­yo pa­ra sa pag­su­yod. Sa da­la­wang araw nag­su­su­ma ito ng ₱2,400. Gu­ma­gas­tos na­man ng ₱300 sa pag­bi­bi­lad.

Pa­ra sa transpor­ta­syo­n, ti­na­ta­yang gu­ma­gas­tos ang mga mag­sa­sa­ka ng ₱1 ka­da ki­lo pa­ra sa pag­ha­ha­kot mu­la sa bu­kid tu­ngong kal­sa­da. Ang pagbya­he mu­la bar­yo tu­ngo sa pi­sa­ran ay ₱30 ka­da ban­da­la (bung­kos/ti­ni­pong hib­la ng aba­ka). Sa buong tat­long araw, ang gas­tos sa pag­ka­in ay nag­ka­ka­ha­la­ga ng ₱450.

Ika­kal­tas mu­la sa ka­buuang ki­ta ang 25% upa sa pa­ngi­no­ong may­lu­pa. Sa ka­du­lu-du­lu­han, lu­gi pa ang mag­sa­sa­ka ng aa­bot sa ₱1,960.

Na­ta­ta­nging pro­duk­tong Pi­li­pi­no

Isa ang Pilipinas sa iilan lamang na bansa sa buong mundo na nag­susuplay ng abaka. Kilala ito sa ta­wag na Manila Hemp. Li­ban sa re­hi­yon ng Bicol, nag­pop­rod­yus ng aba­ca ang Min­do­ro sa Luzon, Ley­te, Sa­mar, Neg­ros Ori­en­tal, Iloi­lo at Aklan sa Vi­sa­yas at la­hat ng mga pru­bin­sya ng Min­da­nao. Ka­ra­mi­han sa mga nag­sa­sa­ka ni­to ay ma­li­li­it at ma­hi­hi­rap na mag­sa­sa­ka at pam­ban­sang mi­nor­ya. Noong 2016, 180,302 ek­tar­yang lu­pa ang may ta­nim na aba­ka.

Nag­su­sup­lay ang Pi­li­pi­nas ng 87% sa pan­da­ig­di­gang sup­lay ng aba­ka. Noong 2019, na­ka­pag-eksport ito ng $156 mil­yon (o ₱7.8 bil­yon sa pa­li­tang $1=₱50) ha­la­ga ng mga pro­duk­tong aba­ka. Sa ta­la, ang abe­reyds na ha­la­ga ng pro­duk­tong aba­ka na ini­eksport ka­da taon ay $97.1 mil­yon kung saan 12.6% ni­to ay mu­la sa hib­la ng aba­ka (raw fi­ber).

Noong 2020, bu­mag­sak ang ka­buuang pro­duk­syon ng aba­ka nang 2.17% mu­la 72.3 li­bong met­ri­ko to­ne­la­da noong 2019 tu­ngong 70.77 li­bong met­ri­ko to­ne­la­da. Du­lot ito ng mga restrik­syon sa transpor­ta­syon na ipi­na­taw kaug­nay sa pan­dem­yang Covid-19 at mga bag­yong na­na­la­sa sa ban­sa sa hu­ling ba­ha­gi ng 2020.

Ba­tay sa da­tos ng Food and Agricul­tu­re Orga­niza­ton ng Uni­ted Na­ti­ons, ang abe­reyds na pre­syong pang-eksport ng hib­la ng aba­ka sa buong 2016 ay na­sa $1.99-$2.35/ki­lo (₱99.32-₱117.5) de­pen­de sa kla­se. Ito ay ₱30 na mas ma­ta­as sa pre­syong nai­pag­be­ben­ta ng mag­sa­sa­ka ang aba­ka sa mga ko­mer­sya­nte.

Kung su­su­ma­hin, ang ga­nan­sya sa pag-eeksport ng 50 ki­lo ng hib­la ng aba­ka ay aabot sa ₱4,966-₱5,875, hi­git 60% ng ki­ta ng mag­sa­sa­ka na ₱3,000 la­mang. Ito ay ka­hit pa so­long bi­na­ba­li­kat ng mag­sa­sa­ka ang pro­duk­syo­n, at wa­lang dag­dag ha­la­ga ang raw fi­ber na ini-eksport sa ibang ban­sa.

Umaa­bot sa 57% ng hib­la ng aba­ka ay pi­nop­ro­se­so pa­ra sa pag­ga­wa ng mga tea bag at ibang es­pe­syal na pa­pel. Ang ba­wat tea bag ay nag­ka­ka­ha­la­ga ng ₱1.5-₱2 ka­da isa.

Gi­na­ga­mit ang aba­ka sa pag­ga­wa ng pe­ra, da­mit at iba pa. Noong na­ka­ra­ang taon, nai­ba­li­ta rin na ma­gan­da itong ma­ter­yal pa­ra sa pag­ga­wa ng face­ mask.

AB (2021-04-07): Pag­ka­lu­gi ng mga mag­sa­sa­ka ng aba­ka sa Bicol