Ang Bayan
March 07, 2021

PNP, inambus ng BHB-Sorsogon

Share and help us bring this article to more readers.

Tatlong pulis ang sugatan sa ginawang ambus ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Sorsogon sa Barangay Putiao, Pilar noong Pebrero 22. Isa dito si MSgt. Osmer Edwin Apa.

Ang aksyong ito ay tugon ng BHB sa mga krimen ng PNP sa masang Sorsoganon. Tampok dito ang pagmasaker sa limang magsasaka sa Dolos, Bulan noong nakaraang taon at pagpatay kay Michael Bagasala, dating Pulang mandirigma. Ang mga operasyong ito ay tulak ng lokal na programang kontra-insurhensya ng Regional Task Force Katoninongan asin Kauswagan.

Misamis Occidental. Tinambangan ng BHB ang mga tropa ng 10th IB sa Barangay Lampasan, Don Victoriano noong Enero 30. Limang sundalo ang napatay.

Surigao del Sur. Patay si Darwin Suazo, aktibong elemento ng CAFGU sa pananambang ng BHB sa Hitaob, Barangay Awasian, Tandag City noong Pebrero 3.

AB (2021-03-07): PNP, inambus ng BHB-Sorsogon