Ang Bayan
December 21, 2020

Pulis at militar, inutusang harapin ang kaso hinggil sa “Antique 7 massacre”

Share and help us bring this article to more readers.

Inutusan ng Ombudsman nitong Disyembre 17 ang tatlong upisyal ng pulis ng Antique at isang upisyal ng 301st Brigade na harapin ang mga kasong kriminal at administratibo na isinampa laban sa kanila ng mga pamilya ng pitong istap ng National Democratic Front of the Philippines-Panay. Pinangunahan ng naturang mga pulis at sundalo ang pagmasaker sa pitong istap na tinaguriang Antique 7 noong hatinggabi ng Agosto 15, 2018 sa Barangay Atabay, San Jose, Antique.

Ibinatay ang reklamong ito sa awtopsiya ng Commission on Human Rights Forensic Center. Ang “Antique 7” ay sina Felix Salditos, Peter Mecenas, Jayson Talibo, Liezel Bandiola, Jason Sanchez, Eldie Labinghisa, at Karen Ceralvo.

AB (2020-12-21): Pulis at militar, inutusang harapin ang kaso hinggil sa "Antique 7 massacre"