Ang Bayan
December 21, 2020

Bagong mga maniobra ng mga Marcos

Share and help us bring this article to more readers.

Walang tigil ang mga maniobra ng mga Marcos para makabalik sa Malacañang. Pinakahuli rito ang paghain ng reklamong impeachment laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen noong Disyembre 7. Ibinatay ang reklamo sa hindi umano pagsusumite ni Leonen ng kanyang statement of assets, liabilities and net worth.

Pangalawa na ito sa mga kasong may layuning sipain si Leonen para bigyan-daan ang pagpabor sa protestang elektoral ni Ferdinand Marcos, Jr. laban kay Vice Pres. Leni Robredo. Bago nito, ibinasura na ng korte ang petisyong quo warranto ni Solicitor General Jose Calida laban kay Leonen.

AB (2020-12-21): Bagong mga maniobra ng mga Marcos