Ang Bayan
December 07, 2020

Berdugong sundalo at pulis sa NEMR, inambus

Share and help us bring this article to more readers.

Inambus ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Agusan del Norte ang nag-ooperasyong yunit ng 29th IB sa bulubunduking bahagi ng Barangay Bangonay, Jabonga, Agusan del Norte. Napaslang sa labanan si Master Sergeant Aberto samantalang namatay sa ospital ang isa pang upisyal.

Nagsasagawa ng nakapokus na operasyong militar ang 29th IB sa naturang barangay simula pa Nobyembre 12. Inireklamo ng mga residente ang pananakot at panggugulo ng mga sundalo sa lugar.

Inambus ng isang yunit ng BHB-Surigao del Norte ang nagpapatrulyang sasakyan ng Philippine National Police (PNP)-Sison sa Barangay Mayag, Sison. Sugatan ang isang pulis. Responsable ang PNP-Sison sa pagpaslang sa negosyante at ama ng isang Pulang mandirigma na si Josefino “Lalo” Calang noong Nobyembre 26.

AB (2020-12-07): Berdugong sundalo at pulis sa NEMR, inambus