Ang Bayan
November 21, 2020

Mga opensiba sa Bukidnon, Sultan Kudarat

Share and help us bring this article to more readers.

Pinasabugan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Bukidnon ang nag-ooperasyong platun ng 8th IB sa Sityo Ulayanon, Barangay Calabugao, Impasug-ong noong Nobyembre 5. Limang sundalo ang patay at lima rin ang sugatan.

Sa Malaybalay City, dalawang beses ding inatake ng mga Pulang mandirigma ang nag-ooperasyong elemento ng 88th IB sa Sityo Kugun-kugon, Barangay Manalog noong Nobyembre 19 at 20. Nagpapasimuno ng iligal na sabong ang mga sundalo sa lugar.

Sultan Kudarat. Patay sa reyd ng BHB-Sultan Kudarat ang tatlong aset ng 37th IB sa Sityo Secret Valley at Magon, Barangay Datu Wasay, Kalamansig noong Oktubre 24, dakong alas-5 ng madaling araw. Nakumpiska mula sa kanila ang tatlong shot gun at mga bala.

AB (2020-11-21): Mga opensiba sa Bukidnon, Sultan Kudarat