BHB-Western Samar, muling binigwasan ang 19th IB

News Stories
October 01, 2020
Share and help us bring this article to more readers.

Read in: English

Nasa limang sundalo ang namatay at 12 ang naiwang sugatan matapos tambangan ng Bagong Hukbong Bayan-Western Samar ang mga elemento ng 19th Infantry Battalion sa may Brgy. Santa Cruz, Matuguinao noong Septyembre 26 bandang alas-5 ng umaga.

Ginamitan ng isang iskwad ng BHB-AOC ng command-detonated explosive (CDX) ang isang yunit ng 19th IB. Nagtagal ang labanan nang 30 minutos. Ligtas na nakaatras ang BHB-AOC nang walang kaswalti.

Bilang reaksyon, nagpaputok ang militar ng 105mm howitzer tungo sa isang waiting shed ng kalapit na barangay ng San Isidro sa parehong bayan bandang alas-7 ng umaga. Dahil sa lapit nito sa pinangyarhan ng ambus, layunin ng panganganyon na takutin at ilagay sa matinding peligro ang nakapalibot na masa.

Samantala, hinaras ng BHB-Northern Samar (Rodante Urtal Command o RUC) ang mga elemento ng CAFGU na hinahawakan ng 43rd Infantry Battalion sa Brgy. Pagsang-an, San Roque nitong unang linggo ng Septyembre. Sa takot, nagsitakbuhan ang mga CAFGU pati ang kontroler nila na elemento ng 43rd IB. Wala ring nasaktan sa hanay ng BHB.#


Ulat-koresponsal mula sa Larab

PRWC News Story: BHB-Western Samar, muling binigwasan ang 19th IB