Mag-al­sa at wa­ka­san ang pa­hi­rap at pa­ba­yang re­hi­meng US-Du­ter­te

Lalong lumalala ang dating di pagkakapantay-pantay sa lipunang Pilipino kasabay ng pagtalim ng mga kontradiksyon dahil sa mi­li­ta­ris­ta at an­ti-ma­ma­ma­yang pag­ha­rap ng re­hi­meng Du­ter­te sa pan­dem­yang Covid-19. Ha­bang ang ii­lan ay na­sa mga man­syon at pa­la­syong ma­la­yo sa sa­kit, pa­tu­loy na nag­ka­ka­mal ng ya­man, nag-aa­bu­so ng ka­pang­ya­ri­han at na­bu­bun­dat sa pa­wis at du­go ng anak­pa­wis, mil­yun-mil­yong ma­ma­ma­yan na­man ang sad­lak sa gu­tom at la­bis na ka­ruk­ha­an.

Hu­mi­hi­yaw ng ka­ta­ru­ngan ang ba­yan pa­ra sa la­hat ng gi­nu­gu­tom, pi­na­hi­hi­ra­pan, si­ni­si­il at pi­nag­ka­kai­tan ng ka­ra­pa­tan. Sa ma­hi­git tat­long bu­wan ng mga pal­ya­dong hak­ba­ngin at pa­ta­ka­ran, wa­lang ka­pa­ris na pag­du­ru­sa ang di­na­nas ng sam­ba­ya­nang Pi­li­pino.

Sa loob ng ha­los tat­long bu­wan, iki­nu­long ni Du­ter­te ang buong ba­yan sa ka­ni­lang maii­nit na ba­hay sa nga­lan ng pag-i­was sa pag­ka­lat ng bay­rus. Pe­ro ang sakripisyong ito ay winaldas lamang ni Duterte at kan­yang mga heneral. Hin­di sa­pat ang ini­la­ang pon­do pa­ra ma­kaa­ga­pay ang sis­te­mang pang­ka­lu­su­gan sa pan­dem­ya. Wa­lang lib­reng mass tes­ting. Wa­lang lib­reng pag­ga­mot sa Covid-19. Pal­ya­do at at­ra­sa­do ang pag­ti­pon ng im­por­ma­syo­n, ka­ya bu­lag ang gub­yer­no kung ­sa­an-saan kumakalat ang bay­rus.

Hu­ling-hu­li na ngang du­ma­ting, ku­lang na ku­lang at madalas kina­kaltasan pa ang pa­nga­kong ayu­da. “Sarap ng buhay,” sambit ng isang senador habang sila’y nag­pi­pi­ging at umaa­paw sa pag­ka­in ang ka­ni­lang im­ba­kan, pi­nag­ti­is ang ba­yan na ma­bu­hay sa lu­gaw at sar­di­nas kung me­ron man. Si­nak­lot ng gu­tom at pa­ngam­ba ang ma­yor­ya ng ma­ma­ma­yang na­bu­bu­hay nang isang ka­hig-i­sang tu­ka. Ang mga ka­pit-sa-pa­ta­lim na nag­ha­nap ng pag­ka­ka­ki­ta­an at ma­ka­ka­in ay bi­nan­sa­gang “pa­sa­way,” pi­nag­da­da­da­kip at buong lu­pit na pi­na­ru­sa­han.

Da­hil wa­lang ma­li­naw na pla­nong pang­ka­lu­su­gan pa­ra pa­ngi­ba­ba­wan ang pan­dem­ya, ipi­na­hin­to ni Du­ter­te ang la­hat at tat­long bu­wang ipi­na­sa­ra ang ma­la­king ba­ha­gi ng eko­nom­ya. Mil­yun-mil­yon ang na­wa­lan ng tra­ba­ho at ki­ta. Nag­kan­da­wa­sak ang ka­bu­ha­yan ng ma­li­li­it na ne­go­sya­nte. At nang ipag-u­tos na lu­wa­gan ang mga lockdown ni­tong Hun­yo, gi­na­wa ang la­hat upang tu­mak­bo mu­li ang ne­go­syo ng ma­la­la­king ka­pi­ta­lis­ta, ha­bang pi­na­ba­ya­an ang ma­sang anak­pa­wis na ani­mo’y si­num­ba­tang “ba­ha­la na ka­yo!”

Ha­bang ma­lu­pit na pi­na­su­su­nod ang ma­ma­ma­yan sa mga na­ka­sa­sa­kal na pa­ta­ka­ran ng pag­hi­hig­pit, ma­lu­wag na­mang na­ka­hi­hi­nga at na­ka­ga­ga­law si Du­ter­te at ang kan­yang mga bu­lok na upi­sya­l.

Ha­bang pa­roo’t pa­ri­to si Du­ter­te sa Davao sa­kay ng pri­ba­dong erop­la­no, daan-da­ang li­bong ma­ma­ma­yan ang wa­lang ma­sak­yan. Pi­nag­ti­ti­is si­lang mag-a­bang sa bang­ke­ta at mga kal­sa­da, gu­tom at wa­lang ka­se­gu­ru­han kung kai­lan ma­ka­sa­sa­kay o ma­kauu­wi. Si­nong ma­ka­li­li­mot kay Michel­le Silver­ti­no na na­ma­tay ma­ta­pos ang li­mang araw na pag­hi­hin­tay ng ma­sa­sak­yan pau­wi sa Bicol sa ila­lim ng isang tu­lay sa Pa­say?

Araw-a­raw, nag­ka­kan­da­ra­pang mag-u­na­han at mag­sik­si­kan ang mga mang­ga­ga­wa at emple­ya­do da­hil ku­lang na ku­lang ang ma­sa­sak­yang bus o tren. Da­hil hin­di ina­si­ka­so ang pag­ha­han­da ng lig­tas at sa­pat na pang­ma­sang transpor­ta­syo­n, li­bu-li­bo nga­yon ang ob­li­ga­dong maglakad o mag­bi­sik­le­ta araw-a­raw sa pe­lig­ro­song mga hay­wey.

Ku­lang na ku­lang na nga ang sa­hod ng mga mang­ga­ga­wa, pi­na­hin­tu­lu­tan pa ni Du­ter­te ang ma­la­la­king ka­pi­ta­lis­ta na kal­ta­san ito pa­ra diu­ma­no ma­ka­ba­wi si­la sa ka­ni­lang tu­bo. Hin­di rin si­la inob­li­ga na ipai­la­lim sa lib­reng pag-eek­sa­men ang mga mang­ga­ga­wa pa­ra tu­ku­yin ang po­sib­leng pag­ka­ha­wa sa Covid-19.
Nagwawalambahala si Duterte sa gitna ng milyun-milyong nawalan ng hanapbuhay. Walang ginagawa upang agapan ang pagbulusok ng kanilang kabuhayan.

Ha­bang pa­hi­hin­tu­lu­tang pu­ma­sa­da ang mga “mo­der­nong” dyip na pag-aa­ri ng ma­la­la­king kor­po­ra­syon, pa­tu­loy na pi­nag­ba­ba­wa­lan ang daan-da­an li­bong dyip ng ma­li­li­it na dray­ber at ope­rey­tor. Bi­ngi si Du­ter­te sa si­gaw ng ka­ra­ni­wang mga dray­ber pa­ra sa sub­sid­yo upang ti­ya­king lig­tas na ma­ka­bi­ya­he ang mga dyip, ka­hit pa ang to­too’y mas lig­tas ang mga dyip at tray­si­kel kay­sa mga sa­ra­dong sa­sak­yan. Ani­mo’y pi­nag­si­si­si­pa si­la ni Du­ter­te. Ang mga “ha­ri ng kal­sa­da” nga­yo’y nag­ma­ma­kaa­wa at na­ma­ma­li­mos sa lan­sa­ngan.

Ha­bang nag­ku­ku­ma­hog si Du­ter­te na mag-ang­kat na na­man ng to­ne-to­ne­la­dang bi­gas sa mga ban­sang nag­su­sub­sid­yo ng pro­duk­syong ag­ri­kul­tu­ral, ku­lang na ku­lang na­man ang pon­dong ini­la­an pa­ra tu­lu­ngan ang pro­duk­syon ng ma­sang mga mag­sa­sa­kang Pi­li­pi­no at bil­hin ang ka­ni­lang pro­duk­to.

Mil­yun-mil­yon nga­yon ang pi­ne­per­wi­syo at pi­na­hi­hi­ra­pan ng kung anu-a­nong hi­ni­hi­ngi ng pu­lis sa mga ku­mu­ku­ha ng per­mit pa­ra ma­kab­ya­he o ma­kau­wi sa ka­ni­lang mga pru­bin­sya o re­hi­yon.

Da­hil tu­ma­tang­ging mag­la­an ng sa­pat na pon­do pa­ra ga­wing lig­tas na buk­san ang mga paa­ra­lan (dag­dag na mga paa­ra­lan, klas­rum, mga gu­ro, at iba pang imprastruk­tu­rang pang-e­du­ka­syo­n), ipi­nag-u­tos ni Du­ter­te na wa­lang ida­da­os na kla­se sa mga da­ra­ting na bu­wan. Sa ha­lip, ida­da­an na lang diu­ma­no sa in­ter­net ang pag­tu­tu­ro, ga­yong wa­la na­man itong ini­la­la­ang pon­do at ipa­ba­ba­li­kat sa mga tit­ser at es­tud­yan­te ang gas­tos pa­ra sa mga kompyu­ter, in­ter­net at iba pang ka­ga­mi­tan.

Milyun-milyong kabataan ang nangangamba sa planong pagtataas ng matrikula ng maraming paa­ra­lan, habang kulang na kulang ang sub­sidyo ng estado sa edukasyon. Bik­tima rin sila ng arbitraryong pag­hihigpit laban sa mga 16-21 taong-gulang na lumabas para mag­hanap ng trabaho o pag­ka­kakitaan at lumahok sa iba’t ibang aktibidad panlipunan.

Sa ha­lip na ba­wa­san ang sob­rang la­king gas­tos sa mga di pro­duk­ti­bo pro­yek­tong pang-impra­struk­tu­rang pi­non­do­han ng da­yong pau­tang, ang bil­yun-bil­yong pi­song sik­re­tong bad­yet pang-in­te­lid­yens, ang daan-da­ang bil­yong pi­song pam­bi­li ng mga he­li­kop­ter, mga bom­ba at ka­ga­mi­tang pan­dig­ma, pi­ni­li ng re­hi­meng Du­ter­te na ma­ngu­tang nang ma­ngu­tang upang tus­tu­san ang mga gas­tu­sin sa pa­na­hon ng pan­dem­ya.

Ang bi­gat ng pa­sa­nin ng pag­ba­ba­yad-u­tang ay ta­gi­bang na na­sa ba­li­kat ng ba­yan. Sa ha­lip na dag­da­gan, bi­na­ba­wa­san pa ng re­hi­meng Du­ter­te ang bu­wis sa mga bil­yu­nar­yong ma­la­la­king ka­pi­ta­lis­ta; at ba­lak na ipa­sa ang bi­gat sa mga ka­ra­ni­wang ku­mi­ki­ta. Ka­hit san­da­li at ka­hit kaun­ti, tu­ma­tang­gi ang re­hi­men na ib­san ang mga pa­sa­ning bu­wis ng ba­yang nag­hi­hi­ka­hos.

Sa nag­da­ang tat­long bu­wan ng pan­dem­yang Covid-19, la­long na­lan­tad ang an­ti-ma­ma­ma­yang re­hi­meng Du­ter­te sa pag­tang­gi ni­tong una­hin ang in­te­res ng ba­yan at pagpra­yo­ri­dad ni­to, sa ha­lip, sa in­te­res ng ma­la­la­king ka­pi­ta­lis­ta at pag­bu­bul­sa ng ma­la­king pon­do ng ba­yan. Ina­min ni Du­ter­te mis­mo na si­ya ang nag-u­tos sa pag­bi­li ng mga ka­ga­mi­tang sob­ra-sob­ra ang pa­tong sa pre­syo. Dag­dag di­to, inu­na ni­ya ang Anti-Ter­ror Bill, ang pag­pa­pa­ta­hi­mik sa mga kri­ti­ko, at pag­pa­pa­la­kas sa kan­yang pwer­sang mi­li­tar sa ha­nga­ring sin­da­kin ang ba­yan, si­ki­lin ang de­mok­ra­sya at pa­na­ti­li­hin ang sa­ri­li bi­lang ma­ka­pang­ya­ri­hang dik­ta­dor.

Sa nag­da­ang tat­long bu­wan, la­long ku­mu­lo ang du­go ng ba­yan at umi­pon sa ka­ni­lang dib­dib ang suk­du­lang ga­lit sa re­hi­meng Du­ter­te. Unti-un­ti ni­lang iwi­na­wak­si ang ta­kot at ipi­na­ma­ma­las ang ta­pang at ka­han­da­ang lu­ma­ban.

Na­sa sam­ba­ya­nang Pi­li­pi­no ang la­hat ng kat­wi­ran pa­ra mag-al­sa at ma­ki­ba­ka. Tung­ku­lin ng buong ba­yan na mag­kai­sa upang ga­mi­tin ang ka­ni­lang ka­pang­ya­ri­han at pang­ka­say­sa­yang tung­ku­ling itak­da ang da­pat na tak­bo ng li­pu­nang Pi­li­pi­no. Ma­bi­lis nga­yong umii­pon ang unos. Da­pat sung­ga­ban ang pa­na­hon at pag­ka­ka­ta­on nang buong ga­lit la­ban sa ko­rap­syo­n, pag­pa­pa­ba­ya, pa­sis­mo at pag­tat­ray­dor ng re­hi­meng Du­ter­te at wa­ka­san ang kan­yang dik­ta­du­ra.