Ang Bayan
April 07, 2020

ASF: Pan­dem­ya sa mga alagang baboy

Share and help us bring this article to more readers.

May pan­dem­ya nang ku­ma­ka­lat sa mun­do ba­go pa lu­ma­ga­nap ang Covid-19. Ito ang pan­dem­ya ng African Swi­ne Fever (ASF), isang sa­kit na ku­ma­ka­pit at pu­ma­pa­tay sa inaa­la­ga­ang mga ba­boy. Hin­di ito na­ka­ha­ha­wa sa tao pe­ro ma­la­ki ang pin­sa­lang idi­nu­du­lot ni­to sa ka­bu­ha­yan ng mga mag­sa­sa­ka. Wa­la pang na­di­dis­kub­reng ga­mot o ba­ku­na la­ban sa ASF ka­ya kai­la­ngang pa­ta­yin ang la­hat ng ba­boy sa mga apek­ta­dong lu­gar pa­ra pi­gi­lan ang pag­ka­lat ng sa­kit. May­ro­on itong 100% fa­ta­lity ra­te o wa­lang na­bu­bu­hay sa mga na­ha­ha­wa­an.

Tu­lad ng Covid-19, nag­si­mu­la ang ka­sa­lu­ku­yang pan­dem­ya ng ASF sa Chi­na noong 2018. Sa unang si­yam na bu­wan ng 2019, 100 mil­yong ba­boy ang na­ma­tay at ki­nai­la­ngang pa­ta­yin. Pa­tu­loy pa itong na­na­na­la­sa hang­gang nga­yon. Ang Chi­na ang pi­na­ka­ma­la­king im­por­ter, prod­yu­ser at ta­ga­kon­su­mo ng kar­neng ba­boy sa buong mun­do.

Unang lu­mi­taw ang bayrus na nagdudulot ng ASF sa Ken­ya noong 1921. Na­na­na­ti­li itong en­de­mic (o hin­di lu­ma­bas) sa Africa hang­gang 1957. Pi­na­ni­ni­wa­la­ang nag­mu­la ito sa ku­to ng ba­boy­ra­mo. Noong 2007, tu­ma­lon ito sa Eu­ro­pe, at mu­la roon ay ku­ma­lat sa Asia.

Ang pag­ka­lat ng ASF ay nag­mula sa dam­bu­ha­lang mga ba­bu­yan, ma­nu­kan at rantso na ma­ta­tag­pu­an sa mga ka­pi­ta­lis­tang ban­sa. Di­to, ma­la­wa­kan at walang pakundangan ang pag­ga­mit ng mga ga­mot na ti­na­ta­wag na antimicro­bi­al. Ang mga ito ay ga­mot na pa­ma­tay sa mga vi­rus, bakter­ya, mik­rob­yo at iba pang kla­se ng mga mik­ro­or­ga­nis­mo. Ka­bi­lang sa mga ga­mot na ito ang mga antibayotiko at ke­mi­kal pang­ka­li­ni­san tu­lad ng chlo­ri­ne. Ibi­ni­bi­gay ito sa la­hat ng mga ha­yop, mu­la pag­ka­pa­nga­nak hang­gang pag­la­ki. Ihi­na­ha­lo ito sa pag­ka­in at tu­big bi­lang pam­pa­bi­gat at pam­pa­la­ki (growth pro­mo­ter).

Ang re­gu­lar at ma­ta­ga­lang pag­ga­mit ng mga micro­bi­al sa wa­lang sa­kit na mga ha­yop ay nag­bu­bu­nga ng mga bak­ter­ya na may ma­la­kas na re­sis­ten­sya o di ka­ya’y di na ti­na­tab­lan ng mga antibayotiko. Sa katagalan, hin­di na ti­na­tab­lan ng ga­mot ang mga ba­boy ka­pag di­na­pu­an si­la ng sa­kit. La­lo ni­tong iti­na­ta­as ang bul­ne­ra­bi­li­dad ng na­tu­rang mga ha­yop sa mga ba­go at mas ma­bag­sik na ti­po ng im­pek­syo­n. Nag­re­re­sul­ta ito sa ma­da­las at di na­ga­ga­mot na mga im­pek­syon na ma­bi­lis na nai­ka­ka­lat sa iba pang pab­ri­ka ng ha­yop at kung zoo­no­tic (o nai­sa­sa­lin sa tao), umaa­bot sa tao sa ka­lau­nan.

Mu­la pa de­ka­da 1940 gi­na­ga­mit ang na­tu­rang mga ga­mot sa mga ba­bu­yan at ma­nu­kan. Pe­ro na­ging mas ma­la­wa­kan at wa­lang pa­kun­da­ngan ang pag­ga­mit di­to nang pi­na­la­ki ang mga ba­bu­yan at ma­nu­kan tu­ngong mga factory farm pa­ra tu­gu­nan ang pa­pa­la­king in­ter­na­syu­nal na de­mand pa­ra sa kar­ne.

Nga­yon ay la­ga­nap na ang la­bis na pag­ga­mit ng mga micro­bi­al la­lu­na sa US at Chi­na. Sa Chi­na, ha­lim­ba­wa, ti­na­ta­yang uma­bot sa 34 mil­yong ki­lo ang an­ti­micro­bi­al na gi­na­mit sa mga ha­yu­pan noong 2012. Sa US, na­sa 13.6 mil­yon ang gi­na­mit ni­tong an­ti­micro­bi­al noong 2011. Pi­na­ka­ma­ra­mi ri­to ay mga antibayotiko na chlor­tet­racycli­ne at pe­nici­lin, mga ga­mot na gi­na­ga­mit din sa tao.

Mas ma­la­la, ang mga anti­bayotiko na ito ay nai­pa­pa­sa sa tao sa pa­ma­ma­gi­tan ng kon­ta­mi­na­syon ng lu­pa, tu­big at ha­ngin. Ayon sa mga eksper­to, 75% ng mga antibayotiko na ibi­ni­bi­gay sa mga ha­yop ay ini­la­la­bas din ni­la sa pa­ma­ma­gi­tan ng ihi at tae. Ang mga ito ay hu­ma­ha­lo sa lu­pa, naaa­nod sa mga ilog at ka­lau­na’y umaa­bot sa pi­nag­ku­ku­nan ng tao ng tu­big. Ma­da­las ding ga­mi­tin ang tae (pa­re­ho ng ba­boy at ma­nok) bi­lang or­ga­ni­kong pa­ta­ba ng lu­pa sa mga sa­ka­han, at sa pa­ma­ma­gi­tan ni­to, su­mu­su­ot ang antibayotiko sa pro­duk­tong pag­ka­in.

AB (2020-04-07): ASF: Pan­dem­ya sa mga alagang baboy