Martsa sa ika-6 na taon ng Yolanda, inilunsad

NOONG NOBYEMBRE 8, nagmartsa ang mga progresibong organisasyon, sa pangunguna ng People Surge, tungong Tacloban upang gunitain ang ika-anim na taon ng pananalasa ng bagyong Yolanda sa Eastern Visayas. Kinundena ng mga grupo ang kapabayaan ng rehimeng Duterte at ang matinding korapsyon ng kanyang mga alipures sa pondong rehabilitasyon.

Kaugnay nito, naghain ng kaso ang may 400 myembro ng Coalition of Yolanda Survivors and Partners sa Office of the Ombudsman sa Tacloban noong Nobyembre 7 para ipatigil ang maanomalyang pabahay ng National Housing Authority sa Eastern Samar.