Lider-anakpawis, pinatay

PATAY SA PAMAMARIL si Reynaldo Malaborbor, 64, sa tapat ng kanyang bahay sa Katapatan Subdivision, Cabuyao City, Laguna noong Nobyembre 4, alas 9 ng gabi. Si Malaborbor ay myembro ng Pagkakaisa at Ugnayan ng Magsasaka sa Laguna (Pumalag) at Makabayang Koalisyon ng Mamamayan-Timog Katagalugan. Siya ay dating bilanggong pulitikal na inaresto noong Oktubre 5, 2010 at nakalaya noong 2015.

Kilala sa Laguna si Malaborbor bilang beteranong aktibista. Bago paslangin, naging bahagi siya sa pag-organisa ng welga sa NutriAsia sa Cabuyao noong Hulyo. Naging koordineytor din siya ng Makabayan noong eleksyong Mayo.