Pag­pa­tay sa ha­ri ng ka­l­sa­da

Kabilang sa mga winasak ng ika­la­wang dig­ma­ang pan­da­ig­dig, ang ma­yor na lin­ya ng pam­pub­li­kong transpor­ta­syon sa ban­sa. Bi­lang pan­sa­man­ta­lang so­lu­syo­n, ilan sa mga Pi­li­pi­no ang na­mu­hu­nan sa pag­ku­kum­pu­ni ng si­ra-si­rang mga dyip na gi­na­mit ng mga Ame­ri­ka­nong sun­da­lo.

Ang kau­na-u­na­han at noo’y pi­na­ka­ma­la­king nag­ma­ma­nu­pak­tu­ra ng dyip ang kum­pan­yang Sa­rao Mo­tors. Nai­ta­tag ito noong 1953 ng ne­go­sya­nteng si Leo­nar­do Sa­rao, isang me­ka­ni­ko at da­ting dray­ber ng ka­le­sa. Mu­la sa ini­syal na pu­hu­nan na P700 lu­ma­go ang kan­yang ne­go­syo tu­ngo sa isang kum­pan­ya.

Bi­na­go ang di­sen­yo ng mga lu­mang dyip upang ma­ka­pag­sa­kay ng mas ma­ra­ming pa­sa­he­ro. Pi­nag­tag­ping ye­ro na­man ang gi­na­mit bi­lang bu­bong ni­to na pi­nin­tura­han ng ma­ti­ting­kad na ku­lay at mga palamuti nito. Gi­na­mit ang sim­bo­long ka­ba­yo sa mi­na­ma­nu­pak­tu­ra ni­tong mga dyip bi­lang pag­pu­pu­gay sa unang ha­ri ng kal­sa­da sa ban­sa, ang ka­le­sa. Ang di­sen­yo ng dyip ay ha­law sa ku­lay at por­ma ng ka­le­sa. Mu­la noon, ito ang ki­ni­la­lang “ha­ri ng kal­sa­da.”

Du­ma­mi tu­ngong 300 ang ka­ni­lang mga mang­ga­ga­wa noong de­ka­da 1960. Uma­bot sa ha­los sam­pu ka­da araw ang na­li­lik­ha ni­lang dyip hang­gang de­ka­da 1970. Tu­mu­mal ang pro­duk­syon ni­to pag­da­ting ng 1980, du­lot nang la­bis na pag­ta­as ng ka­ni­lang gas­tos sa pro­duk­syon at pa­pa­­un­ting prang­ki­sa na ini­la­la­bas ng gub­yer­no. Bun­sod na rin ng pan­da­ig­di­gang kri­sis pam­pi­nan­sya, bu­mag­sak ang pi­so kung ka­ya’t naging trip­le ang ha­la­ga ng se­gun­da ma­nong mga ma­ki­na at pyesang ina­ang­kat ng kum­pan­ya mu­la sa Ja­pan.

Upang big­yang daan ang pag­pa­sok ng mga taxi na Ta­ma­raw FX, sa­sak­yang gawa ng multinasyunal na kumpanyang Toyota, at pag­bu­bu­kas ng Light Rail Tran­sit noong 1995, iti­ni­gil ng Land Transportation Office (LTO) ang pag­la­la­bas ng prang­ki­sa sa mga lin­ya ng jeep. Dag­dag pang pa­hi­rap sa in­dustri­ya ng transpor­ta­syon ang sa­mut­sa­ring mga pa­ta­ka­rang ipi­na­tu­pad ng gub­yer­no sa pag­ku­ha ng re­histro. Sa pa­na­hon ding ito ipi­na­sa ni Leo­nar­do Sa­rao ang pa­ma­ma­ha­la ng kum­pan­ya sa kan­yang anak na si Edgar­do.

Sa harap ng pa­tu­loy na pag­tu­mal ng ne­go­syo, na­pi­li­tan si Edgar­do na pan­sa­man­ta­lang iti­gil ang pro­duk­syon ng kum­pan­ya at tang­ga­lin sa tra­ba­ho ang ma­hi­git 250 mang­ga­ga­wa ni­to noong Oktub­re 2000. Ilang ling­go ma­ta­pos ni­to, mu­ling bi­nuk­san ang pro­duk­syon ng kum­pan­ya ba­ga­mat na­li­mi­ta na la­mang sa 50 ka­tao ang mga mang­ga­ga­wa. Sa pa­na­hong ito, da­la­wa hang­gang tat­long dyip ka­da ling­go na la­mang ang ka­ni­lang na­li­lik­ha.

Sa gitna ng mga pa­ka­na ng re­hi­meng Du­ter­te na tu­lu­yan nang ipag­ba­wal ang pag­ga­mit ng mga lu­mang dyip sa pa­ma­ma­sa­da sa ta­bing ng prog­ra­mang “mo­der­ni­sa­syo­n,” na­tu­lak ang Sa­rao Mo­tors na ma­ki­so­syo sa Le’ Gui­der Inter­na­tio­nal (i­sang kum­pan­yang pag­ma­may-a­ri ng negosyanteng si Yous­sef Ahmad), pa­ra sa pro­duk­syon ng mga electro­nic jeep­ney (e-jeep­ney o mga dyip na pi­na­ta­tak­bo ng kur­yen­te). Imbis na ma­ki­na, pi­na­ta­tak­bo ang mga dyip na ito ng isang per­ma­nent mag­ne­tic mo­tor na ga­wa sa neodymi­um mag­net, isang mi­ne­ral na do­mi­na­do ng Chi­na ang pag­mi­mi­na at pro­duk­syo­n. Noong na­ka­ra­ang taon, naiu­lat na ha­los 80% ng pan­da­ig­di­gang pro­duk­syon ni­to ay mu­la sa Chi­na.

Ba­wat yu­nit ng e-jeep­ney ay nag­ka­ka­ha­la­ga sa abe­reyds ng P1.4 mil­yon, ma­la­yong mas ma­hal sa pre­syo ng tra­di­syu­nal na dyip na P400,000. Ti­yak na mag­re­re­sul­ta ang hu­wad na pa­ka­nang mo­der­ni­sa­syon sa pag­ka­lu­gi at pag­ka­ba­on sa utang ng mga dray­ber at ope­rey­tor at sa pag­ta­as ng pa­ma­sa­he.