Tu­nay na ka­la­ya­an, ipaglaban! Pag­ha­ha­ri ni Duter­te, wa­ka­san!

Da­pat ubos-ka­yang la­ba­nan at wa­ka­san ang pag­ha­ha­ri ng pam­ban­sang tray­dor na si Du­ter­te. Ki­na­bu­ka­san ng buong ba­yan at bu­hay ng ba­wat Pi­li­pi­no ang nakasalang sa pa­tu­loy na pa­ni­nik­lu­hod niya sa mga imperyalistang ka­pang­ya­ri­han.

Mis­tu­lang inia­lay na ni Du­ter­te sa al­tar ng Chi­na ang ka­ra­ga­tan at li­kas ya­man ng ban­sa ka­pa­lit ng ma­ta­ta­bang kontra­ta na pi­nag­ka­ka­ki­ta­an ni­ya at ng kap­wa ni­yang mga bu­ruk­ra­tang ka­pi­ta­lis­ta. Sa ka­bi­lang pa­nig, la­lo pa niyang pinahigpit ang pagga­mit ng US sa buong Pi­li­pi­nas bi­lang ma­la­king ba­se mi­li­tar nito bi­lang suk­li sa tu­luy-tu­loy na ayu­dang mi­li­tar sa kan­yang ma­du­gong te­ro­ris­tang ge­rang “kontra-insurhensiya” at “kontra-droga.”

Da­hil sa na­ta­ta­mo ni­yang pa­ki­na­bang, bi­ngi si Du­ter­te sa si­gaw ng ba­yan pa­ra ipag­la­ban ang tu­nay na ka­la­ya­an at ipag­tang­gol ang in­te­res ng ban­sa sa ha­rap ng nag­tu­tung­ga­ling mga im­per­ya­lis­tang ka­pang­ya­ri­han. Kung ma­na­na­ti­li sa po­der si Du­ter­te, ti­yak na la­long bi­bi­gat ang pa­san ng Pi­li­pi­nas na da­yu­hang do­mi­na­syo­n, lu­lub­ha ang ki­na­sa­sad­la­kan ni­tong kri­sis at ti­tin­di ang pa­sis­tang pag­su­pil sa makaba­yan at de­mok­ra­ti­kong ki­lu­san.

Ang ka­la­ga­yan nga­yon ng Pi­li­pi­nas ay ma­hig­pit na na­ka­ug­nay sa kasalukuyang ka­la­ga­yan sa buong mun­do na ki­na­ta­tam­pu­kan ng tumitinding tungga­li­an ng mga im­per­ya­lis­tang ka­pang­ya­ri­han sa ekonomya at ka­la­kalan, dip­lo­ma­sya, pu­li­ti­ka at mi­li­tar. Ha­bang nag­ta­ta­gal ang di ma­lu­tas-lu­tas na kri­sis ng pan­da­ig­di­gang sistemang ka­pi­ta­lis­ta, lalong si­sid­hi ang mga kontra­dik­syong ito at la­long ti­tin­di ang ham­ba­los nito sa Pi­li­pi­nas at iba pang mga ban­sang ma­la­ko­lon­ya o hin­di ga­nap na ma­la­ya.

Na­sa git­na ng mga tung­ga­li­ang ito ang pa­ngu­na­hing mga im­per­ya­lis­tang kapangya­ri­han, una na ang im­per­ya­lis­mong US na na­na­na­ti­ling pinakamakapangya­ri­han sa buong daig­dig da­hil sa dam­bu­ha­lang makinaryang mili­tar ni­to na nakaka­lat sa buong mun­do. Ma­hig­pit na hinaha­mon ng iba’t ibang im­per­ya­lis­tang ka­pang­ya­ri­han ang pag­ha­ha­ri ng US, la­lu­na ng Rus­sia sa larangang mi­li­tar, at ng Chi­na sa la­ra­ngan ng ekonom­ya.

Sa des­pe­ra­syon ng US na ma­pa­ngi­ba­ba­wan ang in­ter­nal ni­tong kri­sis sa ekonomya, nag­ku­ku­ma­hog itong iba­lik ang so­long pag­ha­ha­ri. Ni­la­la­ba­nan ng US ang nabu­bu­ong ba­gong ha­ti­an sa mun­do (sa usa­ping mi­li­tar at pamu­mu­hu­nan) sa pagitan ng mga im­per­ya­lis­ta kung saan na­ba­ba­wa­san ang mga la­ra­ngang da­ting na­sa ila­lim ng kan­yang ­kontrol.

Sa ka­say­sa­yan, la­ging ma­ha­la­ga ang lu­gar ng Pi­li­pi­nas sa estra­te­hi­yang geopulitikal ng mga im­per­ya­lis­tang ban­sa. Pi­nag­na­na­sa­han ito ng mga pandaigdigang ka­pang­ya­ri­han da­hil na­sa git­na ito ng ma­ha­ha­la­gang ru­ta sa kalaka­lan, laluna sa pa­roo’t pa­ri­to mu­la sa Indi­an Ocean pa­tu­ngo sa East at Southe­ast Asia.

Sa nag­da­ang ma­hi­git isang sig­lo, ipi­na­taw ng im­per­ya­lis­mong US ang kapang­ya­ri­han ni­to sa Pi­li­pi­nas, una sa pa­ma­ma­gi­tan ng tu­wi­rang kolonisa­syo­n at, sa malaon, sa pa­ma­ma­gi­tan ng di-tu­wi­rang kontrol. Ang mga ba­se mi­li­tar ng US sa Pi­li­pi­nas ay gi­na­mit na lun­sa­ran ng mga pwersang mi­li­tar pa­ra sa ge­rang ag­re­syon mu­la Viet­nam hang­gang Middle East, ga­yun­din, pa­ra sa pag­pa­pa­la­wak ng mer­ka­do pa­ra sa mga produktong Ame­ri­ka­no sa Asia, la­lu­na sa Chi­na. Ha­los tat­long dekada na mu­la nang bi­nak­las ang mga baseng ito, pero na­na­na­ti­ling nakaistasyon ang daan-da­ang sun­da­long Ame­ri­ka­no sa Pi­li­pi­nas at pa­ra­mi nang pa­ra­mi ang mga eksklusibo ni­lang pa­si­li­dad sa loob ng mga kam­po ng AFP.

Ang pag­ka­ka­pai­la­lim ng Pi­li­pi­nas sa ko­lon­yal at ma­la­ko­lon­yal na paghahari ng US ang pi­na­ka­ma­la­king ba­la­kid sa pag-un­lad at pag­su­long ng Pilipinas. Ang ekonomya ng Pi­li­pi­nas ay pi­nag­ha­ha­ri­an ng mga korporasyong Ame­ri­ka­no at dinidik­ta­han ng USAID, ng IMF-WB at mga bang­ko at insti­tu­syon sa pi­nan­sya na ha­wak ng US.

Lu­mi­taw ang Chi­na bi­lang isang ka­pi­ta­lis­tang ka­pang­ya­ri­han si­mu­la ka­la­git­na­an ng de­ka­da 2000. Ipi­nang-a­kit ni­to ang daan-da­ang mil­yong mangga­ga­wang mababa ang sa­hod upang hi­gu­pin ang pro­duk­ti­bong kapital, la­lu­na mu­la sa US. Hin­di nag­ta­gal, ba­ba­ha­in ng mu­rang mga kalakal mu­la sa Chi­na ang pandaigdigang mer­ka­do. Sa ka­sa­lu­ku­yan, binaba­ga­bag ang Chi­na ng pag­ba­gal ng pro­duk­syon da­hil sa pag­ka­sa­gad ng mer­ka­do ng sob­ra-sob­rang mga pro­duk­tong pangkonsumo at pang­ka­pi­tal. Ang pas­pa­sang pag-eeksport ng ka­pi­tal sa an­yo ng mga pautang at malawakang konstruk­syong pang-impras­­truk­tu­ra ay tang­kang pigilan ang pag­da­us­dos ng Chi­na sa kri­sis.

Ba­ha­gi ng mga des­pe­ra­dong hak­bang na ito ang pag­pa­pa­la­kas ng presensya ng Chi­na sa Pi­li­pi­nas sa nag­da­ang mga taon, par­ti­ku­lar na ang malakihang pag­hut­hot ng mi­ne­ral at iba pang li­kas na ya­man ng ban­sa. Nakikipag-u­na­han nga­yon ang Chi­na sa US at iba pang mga ka­pi­ta­lis­tang ka­pang­ya­ri­han sa pag­sa­id sa kayamanan ng Pi­li­pi­nas. Ka­sa­bay ni­to, nagbubu­hos ito ng pau­tang pa­ra sa mga proyektong pang-imprastruk­tu­ra pa­ra ipam­bi­li ng sob­ra-sob­rang se­men­to at ase­ro mu­la sa ka­ni­la.

Ba­tid ng Chi­na na ang Pi­li­pi­nas ay bal­war­teng mi­li­tar ng US na gi­na­ga­mit ni­tong dau­ngan, pa­li­pa­ran at lun­sa­ran ng mga sa­sak­yan at ka­ga­mi­tang pan­dig­ma. Sa ma­ha­bang pa­na­hon, gi­na­mit ng US ang Pi­li­pi­nas upang pagha­ri­an ang South China Sea at kontro­lin ang ka­la­ka­lang du­ma­da­an dito. Na­ki­ki­ta ng Chi­na ang halaga na pa­la­ka­sin ang pre­sen­sya at pagimpluwensya ni­to sa Pi­li­pi­nas sa ha­rap ng tumi­tin­ding pakikipagtungga­li­an ni­to sa US. Ka­ya ga­no­on na la­mang ang paggigi­it nitong kontro­lin at angki­nin ang ma­la­wak na ka­ra­ga­tan sa kan­lu­rang baha­gi ng Pilipi­nas, dam­bu­ngin ang ya­mang-da­gat at ita­yo roon ang kanyang mga pa­si­li­dad mili­tar.

Ang Pi­li­pi­nas sa nga­yon ay na­sa git­na ng nag-uum­pu­gang im­per­ya­lis­tang kapangya­ri­han. Da­pat pag-i­ba­yu­hin ng sam­ba­ya­nang Pi­li­pi­no ang ka­ni­lang pakikiba­ka para sa tu­nay na pam­ban­sang ka­la­ya­an mu­la sa kontrol ng US at la­ban sa panghihima­sok ng Chi­na.

Ang pa­ki­ki­ba­kang ito sa nga­yon ay na­ka­tu­on pa­ngu­na­hin la­ban sa pamban­sang tray­dor na si Du­ter­te. Da­pat si­yang la­ba­nan, si­ngi­lin at papana­gu­tin sa gi­na­wa niyang pag­la­pas­ta­ngan sa ka­la­ya­an at so­be­ran­ya ng Pili­pi­nas.

Una, da­pat ba­ti­ku­sin ang pag­su­ko ni­ya sa Chi­na ng mga ka­ra­pa­tan sa South China Sea, ka­bi­lang ang so­be­ra­nong ka­ra­pa­tan sa “exclu­sive eco­no­mic zone” ng Pi­li­pi­nas. Da­pat din si­yang pag­ba­ya­rin sa ko­rap­syon at pagpapayaman sa pi­na­sok ni­yang maanomalyang mga ka­sun­du­an at kontra­ta sa pautang.

Ka­sa­bay ni­to, da­pat ding pus­pu­sang ilan­tad ang pa­nga­nga­yu­pa­pa ni Duterte sa im­per­ya­lis­mong US. Da­pat ilan­tad ito bi­lang pa­ngu­na­hing imperyalistang kapangyari­han sa Pi­li­pi­nas, la­lu­na sa pag­ta­tang­ka ni­tong ga­mi­tin ang pro­tes­tang ba­yan la­ban sa Chi­na pa­ra ikub­li o big­yang-mat­wid ang pa­pa­tin­ding panghihimasok at pag­ga­mit sa Pi­li­pi­nas pa­ra sa kan­yang in­te­res mi­li­tar.

Da­pat la­ba­nan, si­ngi­lin at pa­pa­na­gu­tin si Du­ter­te sa pag­bi­bi­gay-da­an ni­ya sa pagpa­pa­la­kas ng pre­sen­sya ng pwer­sang mi­li­tar ng US sa ban­sa, sa ilalim ng Operation Pacific Eag­le-Phi­lip­pi­nes, at sa pa­ma­ma­gi­tan ng pa­ra­mi nang pa­ra­ming mga eher­si­syo at ma­ni­ob­rang mi­li­tar ng US sa Pi­li­pi­nas. Da­pat la­ba­nan ang dik­ta ng US na ba­gu­hin ang Konsti­tu­syong 1987 pa­ra ganap na ibu­yang­yang ang ekonom­ya ng ban­sa sa ka­pa­ki­na­ba­ngan ng dayuhang ma­la­la­king ka­pi­ta­lis­ta, Ameri­ka­no man o Chi­ne­se. Isi­nu­su­long ito nga­yon ni Du­ter­te upang ilu­sot ang kanyang bo­gus na pe­de­ra­lis­mo o ibang pag­ba­ba­go pa­ra ti­ya­kin ang pag­pa­pa­la­wig sa kapangya­ri­han ng kanyang pamilya.

Da­pat ba­ti­ku­sin ang US at ang Chi­na sa pag­bi­bi­gay ng su­por­ta sa ti­ra­ni­kong pagha­ha­ri ni Du­ter­te, at si­ngi­lin ang mga ito, la­lu­na ang US, sa pag-aar­mas sa kanyang mga pa­sis­tang tau­han. Ang na­ku­ku­hang su­por­tang mi­li­tar ni Du­ter­te mula sa US ang nag­bi­bi­gay sa kanya ng la­kas ng loob  na ipagpatuloy ang wa­lang-habas na ma­ra­mi­hang pag­pa­tay, pam­pu­li­ti­kang pag-u­sig at pag­su­pil sa lahat ng lumalaban sa kan­yang pag­ha­ha­ri.