Ang Bayan
April 21, 2019

100,000 manggagawa ng FoxConn, sisipain

Share and help us bring this article to more readers.

Binabalak ng FoxConn Technology, isa sa pinakamalaking kumpanya sa pagmamanupaktura sa buong mundo, na sisantehin ang 100,000 manggagawa nito sa China at iba’t ibang bansa. Sa nakaraang taon lamang, nabawasan na ng 30,000 ang mga manggagawa nito sa isang pabrika sa Zhengzhou.

Ang FoxConn ang isa sa pinakamalaking kontraktor na gumagawa ng mga smartphone na IPhone para sa kumpanyang Apple. Sa harap ng kumpetisyon, inianunsyo ng Apple na, sa kauna-unahang pagkakataon sa dalawang dekada, bumabagsak ang kita nito sa China. Mahigit 20% ng benta ng IPhone ay sa China.

Halos kalahati naman ng kita ng FoxConn ay mula sa produksyon ng IPhone. Dahil sa paghina ng bentahan ng Apple, iniulat ng FoxConn ang planong bawasan ng $2.9 bilyon sa gastos nito sa produksyon. Nitong nagdaang mga taon, hindi natuloy ang plano ng FoxConn na mamuhunan at magtayo ng malalaking planta sa Brazil, sa Maharashtra sa India at sa Pennsylvania at Wisconsin sa US.

AB (2019-04-21): 100,000 manggagawa ng FoxConn, sisipain