Kasinungalingan ng 19th IB, binatikos

MARIING BINATIKOS ng BHB-Far South Mindanao Region (Valentin Palamine Operations Command o VPOC) ang bulaang pahayag ni Lt. Col. Erick Paraso, commanding officer ng 19th IB, na papatayin umano ng BHB sa North Cotabato ang sinumang kasapi nito na nagbabalak sumuko sa kaaway.
Ani Ka Dencio Magdangal ng VPOC malinaw na nag-iimbento ang pasistang militar para tabunan ang mga isyu ng peke at pwersahang pagpapasuko sa mga sibilyan na basta na lamang aakusahang mga kasapi o mga tagasuporta ng BHB.