Ang Bayan
July 21, 2018

6 aksyong militar, inilunsad sa NCMR

Share and help us bring this article to more readers.

ANIM NA AKSYONG militar ang inilunsad ng mga yunit ng BHB-North Central Mindanao Region mula Hunyo 27-16. Hindi bababa sa 13 ang napatay sa kaaway.
Sa Bukidnon, nagka-engkwentro ang BHB-Bukidnon at 8th IB sa Sityo Ulayanon, Calabugao, Impasug-ong noong Hunyo 27, alas-3 ng hapon. Noong Hulyo 19, tinambangan ng isang yunit ng BHB ang mga sundalo ng 8th IB habang lulan ng isang siksbay sa Nabawang, Busdi sa Malaybalay City. Isa ang patay at dalawa ang sugatan sa AFP. Dalawang beses namang hinaras ng mga Pulang mandirigma ang isang kolum ng 8th IB sa Sityo Mahan-aw, Bulonay noong Hulyo 14, alas-11 ng umaga at Hulyo 15, alas-2 ng hapon.
Sa Agusan del Norte, hinaras ng BHB-Agusan del Norte ang nag-ooperasyong tropa ng 23rd IB sa Sityo Tagpangi, Simbalan, Buenavista noong Hulyo 11, alas-11 ng umaga. Tatlong sundalo at apat na elemento ng CAFGU ang napatay at tatlo ang nasugatan. Noong Hulyo 14, alas-5:40 ng hapon, tinambangan ng BHB ang upisyal at limang tropa ng CAFGU sa Minbahandi, Nasipit, Agusan del Norte. Tatlong elemento ng CAFGU ang napatay.
Sa Misamis Oriental, hinaras ng BHB-MisOr ang 23rd IB CAFGU Detachment sa Barangay Tibon-tibon, Magsaysay noong Hulyo 13, alas-11:00 ng gabi. Dalawa ang napatay at apat ang nasugatan sa kaaway.

AB (2018-07-21): 6 aksyong militar, inilunsad sa NCMR